BABY BACK RIBS in HONEY BARBEQUE SAUCE

Itong entry nating ito for today ang isa pa sa hiniling ng anak kong si Jake na lutuin ko para s kanyang birthday. Actually, may entry na ako na ganito sa archive pero iba ang pamamaraan ng pagluto na ginawa ko.

Ang isa pa, kahit ako mismo bukod sa mga nakatikim ng spare ribs na ito ang nasiyahan sa lasa at lambot ng karne nito. nahilingan pa nga ako ng kapitbahay kong si Ate Joy na ipag-timpla ko daw siya isang beses ng spareribs na ito. Ang kaibigan ko namang si nelson ay talaga namang kinulit ako kung papaano ko daw ito niluto. Ang buong akala niya ay in-oven ko pa ito. Hehehe.


BABY BACK RIBS in HONEY BARBEQUE SAUCE
Mga Sangkap:
1.2 kilos Baby back Ribs
1 head Garlic (alisin lang ang balat)
1 cup Barbeque Sauce
1 cup Soy Sauce
1/2 cup Oyster Sauce
1 tsp. Ground Black Pepper
1 cup Brown Sugar
1 cup Pure Honey bee
Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain in between the bones ang baby back ribs
2. Ilagay sa isang kaserola at ilagay ang lahat ng sangkap maliban sa honey bee.
3. Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan. Maari ding tikman ang sauce kung tama na ang lasa nito.
4. Hanguin sa isang lalagyan ang pinalambot na ribs.
5. Sa isang non-stick na kawali o stove top griller, ihain ang nilutong spareribs.
6. Sa isang bowl pagghaluin ang sauce na pinaglagaan ng karne at ihalo ang honey bee.
7. I-brush ito sa ribs hanggang sa umitim ng kaunti ang balat nito.
Ihain ang nilutong ribs kasama ang natirang sauce sa tabi.
Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy