BAGOONG ALAMANG ESPESYAL



Hindi ko alam kung may pinoy na hindi kumakain ng bagoong. Siguro yung lang may mga allergies...hehehehe. Bakit naman? e masarap naman talaga ang bagoong lalo na syempre kung ikaw ang nagluto nito . Hehehehe

Masarap talaga ang bagoong lalong-lalo na sa hilaw na mangga. Hindi masarap ang kare-kare mo kung walang bagoong. At ang nagdadala sa pork binagoongan syempre ay ang bagoong.

Although marami namang nabibiling ready to eat na bagoong alamang, ninais ko pa ding i-share ang entry kong ito at syempre added tips na din.


BAGOONG ALAMANG ESPENSYAL

Mga Sangkap:
1/2 kilo Bagoong Alamang (Nabili ko ito sa farmers market sa Cubao)
1/2 kilo Pork Liempo cut into small pieces
3 pcs. siling pang-sigang (alisin ang buto ang hiwain ng maliliit)
1 head Minced Garlic
1 large Red Onion chopped
Brown sugar (depende kung gaanong kaalat ang bagoong)

Paraan ng pagluluto:
1. Hugasan ang bagoong sa pamamagitan ng paglalagay ng tubig dito at pagkatapos ay salain using a strainer. Maaring ulitin ito ng 2 - 3 beses para maalis ang masyadong alat ng bagoong.
2. Sa isang kawali, ilagay ang hiniwang baboy at lagyan ng mga 2 tasang tubig. takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne. Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
3. Kung malapit nang lumabot ang karne, hayaan lang matuyo ang sabaw at magmantika ang baboy.
4. Igisa ang bawang at sibuyas kasama ang medyo piniritong baboy.
5. Ilagay na din ang hiniwang siling pang-sigang. Maaari itong dagdagan depende na lang sa nais na anghang na gusto ninyo.
6. Ilagay ang bagoong alamang. Halu-haluyin. Hayaan ng mga 5 minuto.
7. Ilagay ang brown sugar depende sa nais na alat at tamis ng inyong bagoong.

That's it!!!!

Enjoy it with your favorite kare-kare o manggang hilaw.

Note: Papaanong naging espesyal? Imagine 1/2 kilo na baboy ang isinahog natin dito. hehehehe. Para na rin itong pork binagoongan....hehehe.

Comments

Unknown said…
Ako nga kahit may allergy kumakain ng alamang basta may naka ready na antihistamine hehehe

Thanks po for the recipe! :)
Dennis said…
Salamat din Ms. Roma :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy