BEEF STROGANOFF - My simple version
According to Wikipedia ang Beef stroganoff ay nagmula sa bansang Russia matagal na panahon na ang nakakalipas. Nanalo ito sa isang kompetisyon sa pagluluto at ipinangalan ng chef ang pagkaing ito sa kanya employer na ang pangalan ay Count Pavel Alexandrovich Stroganov.
Nung binabasa ko ang mga recipe ng dish na ito sa net, ang dami din palang version. At marami sa mga version dun ang hindi ko alam ang mga sangkap.
Ang ginawa ko, gumawa naman ako ng sarili kong version na napakadali lang at hindi mahirap hanapin ang mga sangkap.
Try nyo ito at tiyak kong magugustuhan ninyo.
BEEF STROGANOFF - My simple version
Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket
200ml All Purpose Cream
1/2 cup Butter
1 big can Whole Button Mushroom (slice each piece into 3)
1/2 tsp. Dried Basil
5 cloves Minced Garlic
1 large Red Onion chopped
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserolang may tubig at kaunting asin, ilaga ang karne ng baka hanggang sa lumambot.
2. Kung malambot na, hanguin sa isang lalagyan..palamigin at hiwain sa nais na laki.
3. Sa isang kawali o non-stick pan, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
4. Ilagay ang hiniwang karne ng baka at lagyan ng 1 tasang sabaw ng button mushroom (from the can)
5. Timplahan ng asin at paminta. Hayaang kumulo ng mga 2 minuto.
6. Ilagay ang all purpose cream at hiniwang button mushroom. Hayaan muli ng mga 5 minuto naman.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
@Kuya Dennis: Mukhang masarap ang stroganoff mo, kuya. Ang version ng in-laws ko ay laging may noodles.
Here's a link to the beef stroganoff I cooked tonight: http://ramblingsofaperpetuallytannedfilipina.blogspot.com/2010/10/easy-recipe-beef-stroganoff.html