CHICKEN FINGERS with HOISIN and BARBEQUE DIP


Last Friday nagkayayaang mag-inom ng konti ang mga kaopisina ng aking asawa sa bahay. Sabagay, mas matipid nga naman kung sa bahay na lang o kaya naman ay gumimik pa sa mga bar. At bilang share ko komo sa bahay namin nga ginawa, nagluto ako ng pulutan nila at ito nga ang naisip ko na gawin

Actually, madali lang itong entry nating ito for today. Masarap siya na pulutan o kaya naman kahit na pang-ulam. Okay na okay din ito sa mga party as finger foods na tiyak kong magugustuhan ng mga kids.

Try it!


CHICKEN FINGERS with HOISIN BARBEQUE DIP

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Breast fillet cut into strips
4 pcs. Calamansi
2 pcs. Egg beaten
1/2 cup Flour
2 cups Japanese breadcrumbs
salt and pepper to taste
cooking oil for frying
For the dip:
1/2 cup Hoisin Sauce
1/2 cup Barbeque Sauce
1/ cup Soy Sauce
1/2 cup Brown Sugar
1 tbsp. Sesame oil

Paraan ng Pagluluto:
1. I-marinade ang chicken breast fillet sa asin, paminta at katas ng calamansio. hayaan ng mga 15 minuto.
2. Ihalo ang binating itlog at harina sa minarinade na manok.
3. Pakuluin ang mantika sa mantika.
4. Igulong sa japanese breadcrumbs ang manok at saka ihulog sa kumukulong mantika.
5. Lutuin ito hanggang sa mag-golden brown.
6. Hanguin sa lalagyang may paper towel para maalis ang excess na mantika.
7. For the dip, paghaluin lamang ang lahat na sangkap. Tikman at i-adjust ang lasa base sa nais na tamis o lasa.

Ihain ang chicken fingers kasama ang dip na ginawa.

Enjoy!!!

Comments

Anonymous said…
ang sarap dito<< dbest >>

check ninyo >> www.filipinocookingspot.blogspot.com
Dennis said…
@ Anonymous....OK lang na kopyahin yung mga recipes ko d2 sa blog...yun lang sana i-acknowledge yung blog ko mismo o kaya naman ay nandun yung name ko....
J said…
yay kuya... sobrang kopya nga! Word for word! Ang kafal ng muks!!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy