CHICKEN LOLLIPOP - My own version


Itong dish na ito ang isa sa mga nilutonitong nakaraang birthday ng panganay kong anak na si Jake. Noon ko pa gustong mag-luto nito, ewan ko ba kung bakit hindi matuloy-tuloy. Hehehehe

Para gumawa ng chicken lollipop sundin ang pamamaraan sa link na ito: ttp://justbento.com/handbook/recipe-collection-mains/how-make-chicken-lollipops

Salamat sa may-ari ng blog na ito na si Makiko itoh for the picts and the articles.

Yung pamamaraan kuha ko sa site na ito pero ang recipe ng entry kong ito ay akin. Actually, wala akong pinagkopyahan ng recipe. Basta pinaghalo ko lang ang mga sangkap na pang-marinade and presto isang masarap na chicken lillipop ang kinalabasan.

Ayos na ayos ito sa mga parties lalo nat mlapit na ang pasko at new year. Try nyo...


CHICKEN LOLLIPOP - My own version

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Wings
1 tbsp. Cayene powder
1 tsp. Garlic Powder
5 pcs. Calamansi
1 cup Flour
1/2 cup Cornstarch
1/2 cup Rice Flour
2 eggs beaten
1 tsp. Maggie magic Sarap
Salt and pepper to taste
cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1. Gawin ang chicken lollipop ayon sa link na ibinagy ko sa itaas.
2. Ilagay ang cayene powder, garlic powder, asin, paminta, maggie magic sarap at katas ng calamansi. Haluing mabuti at hayaan ng mga 1 oras bago lutuin. Overnight mas mainam.
3. Ilagay ang binating itlog, rice flour at cornstarch. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ang lahat ng chicken wings.
4. Sa isang plastic bag, ilagay ang minarinade na chicken wings at ilagay ang harina.
5. Lagyan ng hangin ang loob ng plastic bag...isara at alu-alugin ang manok sa llob.
6. magpakulo ng mantika sa isang kawali. Dapat mga 1 inch ang lalim ng mantika from the bottom.
7. Bago ihulog ang mga chicken lillipop sa mantika, muling hatakin pa-bilog ang laman ng manok para lumabas yung buto o yung pinbaka handle ng chicken lollipop.
8. I-prito ito hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.
9. Hanguin sa isang lalagyanhg may paper towel.

Ihain habang mainit pa kasama ang paborito nyong catsup o ano mang gustong sawsawan.

Enjoy!!!!

Comments

Ang pinaka mahirap gawin sa chicken lollipop ay ang paghiwalay ng karne sa buto. Pero naman, pag naihain na sa mga bata, hit na hit talaga!

Food Trip Friday post
J said…
wow kuya, thanks!!!! Tagal ko na gusto matuto kung paano gumawa ng chicken lollipops! Kaso, komo hindi ako marunong, hindi na lang ako nagluluto ng fried chicken haha. Ngayon alam ko na, susubukan ko uli.
Dennis said…
Hi Jen....Tama ka..panalong-panalo ito sa mga kids.....yun lang mahirap lang talaga yung pag-gawa ng lolipop.

Thanks
Dennis said…
Ngayon alam mo na J...hhehehe....

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy