GARLIC FRIED CHICKEN



Sa picture, mukhang isang ordinaryong fried chicken lang ito. Pero ang totoo, masarap ito as compare sa ibat-ibang fried chicken na niluluto natin .

Ang fried chicken na ito ay ginamitan ko ng brine solution. Isang paraan kung saan ang manok o karne ng baboy o baka ay ibinababad sa tubig na may asin at iba-iba pang sangkap na pampalasa. Nabasa ko lang din ito sa isang food blog na lagi ko ding pinupuntahan.

Try nyo ito. Masarap at hindi nawala yung natural na lasa ng manok.


GARLIC FRIED CHICKEN

Mga Sangkap:
4 pcs. Chicken Legs
1 cup Rock salt
6 cups of water
2 tbsp. of Garlic powder
1 tsp. Dried Rosemary
1 tsp. Ground Black pepper
1 tsp. Maggie magic Sarap
cooking oil for frying

Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang medyo malaking bowl paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa manok. Haluin mabuti.
2. Sa ilalim na bvahagi ng mga hita ng manok, lagyan ng gilit o hiwa sagad hanggang sa buto.
3. Ibabad ang manok sa brine solution na ginawa. Dapat lubog ang lahat na manok. Ibabad ito ng mga dalawang araw.
4. Bago i-prito ang manok, tuyuin muna ito ng paper towel. Budbudan o lagyan pa ng garlic poweder ang manok bago i-prito.
5. Sa isang kawali, magpakulo ng mantika. Dapat mga 2 inches ang lalim nito.
6. I-prito ang manok hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.
7. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel para maalis ang excess na mantika.

Ihain kasama ng inyong paboritong tomato o banana catsup.

Enjoy!!!!




Comments

J said…
Naku kuya... sarap niyan. Paborito ko ang garlic eh heheh.
Love this recipe! Would definitely try this one. Thanks! =)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy