PAN-GRILLED PORK BUTTERFLY ala INASAL

Gustong-gusto ko talaga ang lasa ng Chicken Inasal. Ibang-iba kasi ang lasa nito as compare dun sa ordinary chicken barbeque na kinakain natin. Ewan ko ba, gustong-gusto ko talaga ito. Salamat at nagsulputan na parang kabute ang mga fastfood chain na nagse-serve ng ganitong klase ng pagkain. But ofcourse iba pa rin yung ikaw mismo ang nagluto. May entry na ako ng recipe nito sa archive. Paki-check na lang.

Ang chicken inasal ang naging inspirasyon ko ng lutuin ko ang dish na ito na entry natin for today. Yun nga lang pork ang ginamit ko dito. Ginamit ko lang yung basic na sangkap ng inasal to marinade at isang masarap na ulam na ang kinalabasan.

Try nyo din....baka magustuhan ninyo.


PAN-GRILLED PORK BUTTERFLY ala INASAL

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Butterfly or Liempo
2 tangkay Lemon grass o Tanglad (yung white portion lang - cut into small pieces)
1 thumb size Ginger finely chopped
1 head Minced garlic
1/2 cup Vinegar
8 pcs. Calamansi
2 tbsp. Soy sauce
1 tbsp. brown sugar
salt and pepper
1 tsp. maggie magic sarap

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang karne ng baboy.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang bawang, luya, tanglad o lemon grass, suka, toyo, brown sugar at katas ng calamansi. Haluin mabuti. Pwede ding i-blender para mas lumabas ang flavor ng mga sangkap.
3. Ibuhos ang marinade mix sa karne ng baboy. Hayaan ng mga 15 minuto.
4. I-ihaw ito sa kawali o kaya naman ay sa baga.
5. Maaring pahiran ng anato oil o star margarine para magkaroon ng magandang kulay.

Hanguin sa isang lalagyan at ihain kasama ang sawsawang pinaghalong suka, calamansi, toyo, ginayat na sibuyas at konting asukal.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
ang sarap dito<< dbest >>

check ninyo >> www.filipinocookingspot.blogspot.com

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy