PORK BINAGOONGAN ala MAX


Ang pork binagoongan ang isa sa mga paboritong luto sa pork. Gustong-gusto ko yung lasa ng pork at alat ng bagoong na nagsama. Kasama na din yung kaunting anghang ng sili at lasa ng toasted na bawang.

May na post na akong ganitong dish sa archive. Ang pagkakaiba lang nito ay wala itong gata ng niyog. Naging inspirasyon ko sa dish na ito yung bagong item ng Max Restaurant na pork bonagoongan nga. Kung madadaan ka ng EDSA matatakaw ka talaga sa billboard nila na ito ang pinakikita. Una ko agad napansin ay wala nga itong gata.

Sinubukan kong gayahin ang binagoongang ito ng Max at hindi naman ako nagkamali, masarap at malinamnam talaga ang dish na ito. Sa tingin ko ang tamang bagoong ang pinaka-importante sa dish na ito. Otherwise, hinsi siya magiging ganun kasarap.

Ang bagoong pala na ginamit ko dito ay yung bagoong recipe na na-post ko na sa blog na ito. Yummy talaga ito.


PORK BINAGOONGAN ala MAX

Mga Sangkap:
1 kilo Pork kasim cut into cubes
1/2 cup Ready to eat Bagoong Alamang
1 head Minced Garlic
1 large Red Onion chopped
5 pcs. Siling pang-sigang
3 pcs. Talong sliced
Salt, pepper or sugar to taste
2 tbsp. Olive oil

Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang talong hanggang sa maluto at ilagay sa isang lalagyang may paper towel. Itabi sandali
2. Sunod na i-prito ang bawang hanggang mag-golden brown ang kulay. Hanguin di sa isang lalagyan.
3. Sa parehong kawali, i-prito ang karne ng baboy hanggang sa pumula lang ng kaunti ang balat nito.
4. Ilagay ang sibuyas at lagyan ng mga 2 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
5. Kung malapit nang maluto ang karne, ilagay ang bagoong at siling pang-sigang. Hayaan lang maluto hanggang sa kumonte na lang ang sabaw o sauce nito. Kung gusto nyo na extra spicy ang inyong binagoongan, piratin ang siling pang-sigang.
6. Tikman at i-adjust ang lasa. Maaaring dagdagan pa ng asin, paminta o asukal depende sa gusto ninyong maging lasa.
7. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong talong at bawang.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Note: Pwede ding lagyan ng hiniwang manggang hilaw (cut like a match sticks) sa ibabaw at kamatis para ala Max na ala Max ang dating. Tnx.

Comments

Anonymous said…
buti na lang naka bookmark itong blog nyo sa laptop ko sir dennis!you're such a big help sa mga tulad kong bano sa pagluluto,,, thank you...
Dennis said…
Thanks Anonymous....pakilala ka naman. Salamat naman at nagugustuhan mo ang mga pino-post ko dito sa blog. Basta may tanong kam i-post mo lang dito at sasagutin ko.

Thanks

dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy