BOILED PORK with POTATOES


Sa mahigit na 1 taon kong pagba-blog, ito na siguro ang pinak-simple at pinaka-madaling recipe na nagawa ko. Bukod sa simpleng mga sangkap, simple din kasi ang ginawa kong luto. Hindi pala nilagang baboy lang ito ha...hehehehe

Actually ganito ang naging istorya nito. Ako kasi ang gumigising ng maaga para mag-prepare ng baon ng tatlong kong anak na pumapasok sa school. Ang ginagawa ko, kung papalambutin pa ang iluluto, pinapalambot ko na ito sa gabi pa lang para madali ang pagluluto sa kinabukasan.

Ang problema nung araw na yun, tinaghali ako ng gising at wala na akong time para magluto pa ng de-rekadong ulam. Ang nangyari? Itong entry ko na ito for today. Simple lang siya pero masarap. Try nyo.


BOILED PORK with POTATOES

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Butterfly (cut in the middle)
2 large size Potatoes cut into cubes
1/2 cup Butter
3 tbsp. Casava Flour or Ordinary flour
1/2 cup Alaska Evaporated Milk
1 tsp. Maggie magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluan ang karne ng baboy. Lagyan ng asin at paminta.
2. Kung malapit nang maluto ang karne, ilagay ang patatas.
3. Kung malapit nang maluto ang patatas, ilagay naman ang butter, casava flour, evaporated milk at maggie magic sarap.
4. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Jenn Valmonte said…
At least may bagong putaheng nabuo dahil sa paggising ng tanghali. :) I think this dish is a blessing in disguise.

My Food Trip Friday post is now up here:
Midway Grill - La Union. Do drop by if you have the time. Happy weekends!
Ako rin eh, Nilaga ang favorite kong lutuin kasi for sure,I can't go wrong with it. :)
Thanks for joining FoodTripFriday, hopefully you can visit the other participants too bec they also have lots of orig and yummy recipe to share. :)
wenn said…
i love potatoes with meat..
agent112778 said…
ganito din ang luto ko sa baboy at patatas pag walang iba pang sahog o walang maisisp na iba. ikalawa, ang aking nanay ay ayaw sa tomato sauce kaya ganito rin ang luto ko

here's my FTF entry
here's my Food Friday entry
Dennis said…
Actually hindi ito nilagang baboy lang. Nilagyan ko ito ng butter at pampalapot...so parang pork with gravy....The same with my beef with potatoes and gravy.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy