JELLY PLAN in LEMON GRASS FLAVOR



Narito ang version 2 ng aking isa sa mga paboritong dessert ang Jelly Plan. Version 2 kasi ginamitan ko ito ng lemon grass para maging flavor sa halip na vanilla o kaya naman ay lime zest. Masarap naman ang kinalabasan.

Gumawa ako nito bilang pabaon sa nanay ng aking kapitbahay na si Ate Joy na bumalik na sa Ilo-ilo niong nakaraang Linggo. 1 week sila dito.

Syempre sa ating mga Pilipino kung may nagpapasalubong kapag may dumarating, may mga nagpapabaon din kung may umaalis naman. Natutuwa naman ako at nagustuhan nila ang aking pinabaon. Hindi ko lang alam kung nakarating pa ito sa Ilo-Ilo. Hehehehehe


JELLY PLAN in LEMON GRASS FLAVOR

Mga Sangkap:
1 sachet Mr. Gulaman powder (Yellow color)
3 pcs. Fresh Eggs
3 cups White Sugar
1 big can Alaska Condensed Milk
1 big can Alaska Evaporated Milk
4 tangkay Lemon grass (yung white portion lang. pitpitin)
1 cup Brown Sugar at 1/3 cup Water (gawing syrup bago pa lutuin ang jelly plan)
6 cups Water

Paraan ng pagluluto:
1. Sa Blender, paghaluin ang itlog, alaska evap, alaska condensed at asukal. I-blend ito hanggang sa mahalong mabujti ang mixture.
2. Sa isang kaserola, pakuluan ang 6 cups sa tubig kasama ang lemon grass. Hayaang kumulo ng mga 15 minuto.
3. Alisin ang sapal ng lemon grass at ilagay naman ang gelatin powder. Haluin hanggang sa matunaw at mawala ang buo-buo nito.
4. Ilagay ang milk mixture sa nilulutong gulaman. Ipagpatuloy ang paghalo hanggang sa medyo lumapot na.
5. Isalin ang nilutong gelatin sa mga llanerang may syrup at hayaang lumamig.

Ilagay muna sa fridge at palamigin bago ihain.

Enjoy!!!

Comments

Ziggy said…
brader! nakakainab itong site mo. hahahaha! salamat naman at may blog na puro tagalog. galeng galeng! tsaka andami na leche plan. para gusto kong magdayb sa litrato! hehehehe
Dennis said…
Thanks Ciggy....Sa mga kagaya mo kaya nagpapatuloy pa ako sa pagba-blog. Salamat sa pag-bisita.

Uy hindi leche plan yan ha...hehehe...para lang...kasi may gelatin na kahalo...hehehe

Thanks again...keep on visiting this blog.


Dennis
mimie10 said…
hello po...ilan po ang nagagawa sa gnung karaming ingrdients,mga ilang llanera po kaya? tnx po...

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy