LECHON KAWALI version 3


Pangatlong version ko na ito ng Lechong Kawali. At ano naman ang bago sa version na ito? Ang lasa syempre. Hindi tayo dapat makuntento sa mga nakasanayan na natin lalo sa mga pagluluto. Ang importante mas napapasarap pa natin ang mga pagkain na nakagisnan na natin.

Katulad din ng lechong baboy. Sa Cebu, ang lechon dito ay walang kasamang sarsa. Kasi ang ginagawa nila nilalagyan nila ang loob ng baboy ng kung ano-anong pampalasa (herbs and spices)kaya naman hindi mo na kailangan ng sauce pa. Yung iba naman asin at bawang lang ang inilalagay.

Dito sa 3rd version ko ng lechon kawali, ibang pampalasa naman ang ginamit ko habangng pinapakuluan ang liempo. At yun nga, naging masarap ang kinalabasan ng ang lechon. Try nyo ito...masarap at malasa talaga.


LECHON KAWALI Version 3

Mga Sangkap:

1+ Kilo Pork Liempo (Piliin yung manipis lang ang taba...cut into 2 pcs.)

1/2 cup Rock Salt

2 tangkay Lemon Grass o tanglad

1 head Garlic

1 tsp. Freshly ground Black pepper

Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola, pakuluan ang liempo hanggang sa lumambot. Kasama sa pakukuluan ang lahat ng sangkap maliban lang sa mantika.

2. Kung malambot na ang karne, palamigin ito at hiwain ng mga 1/2 pulgada ang kapal.

3. Ilagay sa pinakamalamig na parte ng freezer at hayaan ng mga 2 araw bago prituhin. Sa pamamagitan ng prosesong ito hindi masyadong puputok at magtitilamsikan ang mantika habang nagpi-prito.

4. Kung ipi-prito na, magpakulo ng isang mantika sa isang kaserolang medyo makapal ang bottom at may takip. Dapat mga 1 inch ang lalim ng manitika o dapat lubog sa mantika ang ipi-prito.

5. I-prito ang liempo direct from the freezer. Takpan para hindi tumilansik ang mantika.

6. Lutuin hanggang sa mag-golden brown ang kulay.

7. Palamigin sandali bago hiwain ng pa-cubes.

Ihain kasama ang Mang Tomas Sarsa ng lechon o kaya naman ay suka na may bawang at sili.

Enjoy!!!!

Comments

bonz said…
ibang version nga... mukhang masarap.
i-try ko nga rin.
just bookmarked you!

here's my entry:
http://bonzworld.com/2010/10/15/food-trip-friday-7-tokwat-baboy/
Dennis said…
Try mo Bonz....Tiyak ko magugustuhan mo. Let me know the results. :)
J said…
sarap niyan kuya! Kahit pinipigilan ako ng asawa ko kumain ng fatty foods, kakainin ko pa rin yan hehehe.
Dennis said…
Hahahaha...Ok lang yan J basta hindi madalas...hehehehe
Marana said…
sarap nito sawsaw suka pa

Lesley
Dennis said…
Tama ka great_lights....sa suka na may sili masarap din ito...hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy