AKSIDENTENG CHICKEN BARBEQUE

No....hindi na-aksidente ang chicken na ito na niluto ko. Hehehehe. Ang gusto ko lang sabihin sa title ay... biglaan na naging chicken barbeque ang chicken dish na dapat ko sanang lutuin.

Dapat sana roasted chicken ala Anton ang gagawin kong luto dito. Matagal na din kasi kaming hindi nakakapagluto nito kasi nga nasira ang turbo broiler namin. Naiba ang plano kasi kulang pala ang mga sangkap na kailangan ko dito. Nang maghalungkat ako sa grocery cabinet ng aking biyenan, nakita ko itong Mama Sita Barbeque Marinade. At yun nag-decide na agad ako na i-marinade na lang dito ang manok na lulutuin ko.

Hindi naman ako nagkamali, ang aksidenteng pagpalit ng plano ay naging kapuri-puri sa mga kumain ng chicken barbeque na ito. Salamat kay Mama Sita. (Hindi promotion yan ha....hehehe)


AKSIDENTENG CHICKEN BARBEQUE
Mga Sangkap:
1.5 kilos Chicken Legs
1 cup Mama Sita Barbeque Marinade Mix
3 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Ground Black pepper
Paraan ng pagluluto:
1. Tusuk-tusukin o hiwaan ng kutsilyo ang laman ng manok.
2. Paghaluin ang Mama sita marinade mix, brown sugar at paminta sa isang bowl.
3. Ibuhos ito sa mga manok at halu-haluing mabuti. Mainam na imasaheng mabuti ang marinade mix sa katawan ng manok. Hayaan muna ng mga 30 minuto hanggang isang oras.
4. Lutuin ito sa turbo broiler sa init na 375 drgrees sa loob ng 45 minuto o hanggang sa maluto at pumula ang manok.
5. I-brush ng marinade mix ang katawan ng manok from time to time.
Para gumawa ng barbeque sauce, Ilagay lang sa kawali ang natirang marinade mix, lagyan ng konting dinikdik na bawang at 1 tsp. na cornstarch na tinunaw sa tubig at halu-haluin. Tikman at i-adjust ang lasa ayon sa nais nyong tamis at alat.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments

J said…
Kahit aksidente yan or hindi, lalafangin ko yan pag hinain mo sa harap ko hehehe.
Dennis said…
Winner ito J....ako din...kahit diabetic pa ako...kakainin ko ito....hahahaha.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy