BIYAYA NG LANGIT

Tuwing undas o araw ng mga patay ay umuuwi kami sa bahay ng aking asawang si Jolly sa San Jose, Batangas. Gustong-gusto ko dito at pati na rin ang mga bata dahil sa aliwalas na paligid at malamig na klima. Kung December nga dito ay para kang nasa Baguio malamig ang simoy ng hangin kay laging tanghali na ako nagigising dahil sa sarap ng tulog.

Bukod sa maaliwalas na paligid ay gustong-gusto ko din dito dahil sa dami ng mga puno ng prutas na pwedeng akyatin. Hehehehe. Lalo na nitong nakaraang undas, kung saan hitik na hitik sa bunga ang mga puno ng prutas dito.

Ang daming bunga ng lansones na abot kamay lang ng anak kong si Jake ang bunga. At alam nyo ba, napaka-tamis ng lansones na ito. Ano ang sinabi ng lansones na galing Bangkok dito. Kahit siguro isang kaing ay kaya kong ubusin. Hehehehe.

Dito ko naisip ang kasabihang, "Kapag may itinanim...may aanihin". Marahil sa ganda ng lupa at sa lamig ng panahon sa lugar na ito kaya naisipan ng mga biyenan ko na magtanim ng ibat-ibang uri ng prutas. At ngayon, ang mga apo niya ang nakikinabang sa mga masasarap na bunga nito.

Hindi lamang lansones ang mga puno ng prutas dito. Mayroon ding chico, langka, guyabano, mangga, santol, rambutan at iba pa. Mayroon ding puno dito ng kape at cacao.

May mga suha din (larawan sa ibaba). Lukban ang tawag nila dito. Ang tamis din ng suha dito. Ano ang sinabi ng suha na galing Davao?

May mga tanim din palang sili na ginagamit sa pagluluto ng ulam katulad ng sinigang o kaya naman ay caldereta o ano mang ulam na medyo maanghang ang lasa.
At alam nyo ba na dito lang din ako nakakita ng puno ng paminta? Oo, itong larawan sa ibaba ang puno ng paminta. Berde pa lang ang kulay nila at pag inani na ibibilad sa araw hanggang sa matuyo at mag-kulay itim na.
Tunay ka na ang lahat nang ito ay biyaya na nagmumula sa Langit. Syempre naman...hindi naman basta nalang babagsak sa harapan natin ang biyayang iyan mula sa Diyos. Kailangan din nating kumilos para makamtan ang mga biyayang iyan. Marahil kung hindi nagsumikap ang mga matatanda sa lugar na ito, mayroon bang mga bunga na pakikinabangan ang mga taong narito ngayon?
Nasa Diyos ang Awa...nasa Tao ang Gawa. At pag tayo ay gumawa, pagpapalain Niya tayo at bibiyayaan ng lahat mula sa Langit.
Tara....ubusin na natin itong naani naming lansones....hehehehe

Amen....

Comments

J said…
Gusto ko yan, kuya!
Dennis said…
Ay naku J...kung ganito kasarap at katamis ang lansones..kahit isang kaing kaya kong ubusin...hhehehe. Nakakalimutan kong diabetic ako.....hahahahaha


Dennis
Vena said…
Sir ang sarap naman sa probinsya niyo..sana may probinsiya din kami na tulad niyan. malamang lingo-lingo ako uwi :)) Paborito rin ng mag-ama ko ang lansones. Ok po itong blog ninyo. I-try ko nga po tonight yung chicken ala king eh. Thanks!
Dennis said…
Thanks Vena....please let me know kung succesful ang chicken ala king mo...;)
john maniago said…
kuya dennis ang ganda naman sa province nyo...sarap magbakasyon!!! =)
Dennis said…
@ John.....probinsya yun ng asawa ko...ako talaga ay taga Bulacan.... Pero tama ka maganda talaga d2 sa luga ng asawa ko...madami pang prutas...hehehehe
john maniago said…
Tama! na try ko na yung chicken pastel mo and beef stroganoff okay naman ang kinalabasan para na daw akong prof. cook sabi ng mga officemates ko....hahahahah....thanks kuya dennis!!! =)
Dennis said…
Thanks John....share mo din itong blog na ito sa mga officemates mo.

Salamat


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy