BRAISED PORK BELLY in HONEY-LEMON and BLACK BEAN SAUCE


Nitong mga nakaraang posting ko mapapansin nyo siguro ang mga entry ko na aksidente ang pagkakaluto. Hehehehe....Aksidente pero masarap :) Ewan ko ba....up to the last minute ay nababago ang plano ko.

Katulad na rin nitong entry ko for to day. Dapat sana gagawin ko itong lechon kawali, pero ang kinalabasan braised pork belly na parang pork humba ang dating.

Madali lang lutuin ang dish na ito. All you have to do is to put everything in a pot at lutuin lang sa mahinang apoy. Ayos na ayos ito sa mga may slow-cooker at mga nagmamasukan sa trabaho. Isalang lang sa slow cooker bako pumunta ng office at pagbalik nyo ay may masarap na ulam na kayo. Try it!


BRAISED PORK BELLY in HONEY-LEMON and BLACK BEAN SAUCE

Mga Sangkap:
1.5 Kilo Pork Belly o Liempo (hiwain ng mga 1.5 inches ang kapal)
2 tbsp. Black Bean Sauce
1/2 cup Pure Honey
Juice from 1 Lemon
1 tsp. 5 spice powder
1/2 cup Soy Sauce
1/2 cup Vinegar
1/2 cup Brown Sugar
1 tsp. Ground Black Pepper
1 head Minced Garlic
1 large Reg Onion chopped
1 tbsp. Sesame Oil

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola ilagay ang lahat ng mga sangkap maliban sa honey at sesame oil. Lagyan ng mga 2 tasang tubig.
2. Pakuluan hanggang sa maluto at lumambot ang leimpo. Maaring lagyan ng tubig kung ki nakailangan. Maaring tikman ang sauce para sa tamang lasa.
3. Sa isang non-stick na kawali isalin ang pinalambot na karne at lagyan ng mga 1 tasa ng sauce na pinapalambutan. Isama ang mga black beans at bawang na naluto.
4. Ilagay ang honey at halu-haluin hanggang sa kumonte na ang sauce.
5. Ilagay ang sesame oil bago hanguin.

I-slice ang nilutong karne bago ihain. Maaaring lagyan ng natitirang sauce sa ibabaw.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Try ko ito kuya kasi merin akong black bean sauce sa fridge. Ang dami kong gustong i-try kaso wala akong time eheheheh.
Dennis said…
Naku J...wag mong sabihin nawala kang time.....basta gawin mo na lang....hehehehe. basta may mga sangkap ka lang at ilagay mo lahat sa kaserola...ok na yun...bantayan mo lang at baka matuyuan ng sauce....hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy