CHICKEN FILLET with BARBEQUE-HONEY SAUCE
The last time na mag-groceries ako, nakabili ako ng 1 kilo ng chiken breast fillet...yung wala nang balat. Ngayon nitong lulutuin ko na hindi ko malaman kung anong luto an gagawin ko dito. Nauubusan na ba ako ng idea? Hehehehe. Ang ginawa ko? konting gisa-gisa..konting tambog-tambog.....konting tikim-tikim.....adjust ng konting lasa....and presto may ulam na kami. Hehehehe
Ganun naman ang pagluluto... Parang nung araw.... Kung ano ang available sa paligid o sa kusina, yun na lang ang inilalagay. Kaya nga ang dami nating version ng adobo at sinigang di ba?
CHICKEN FILLET with BARBEQUE-HONEY-LEMON SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken thigh fillet
1 large Carrot cut into cubes
1 pc. Lemon (kunin yung juice at gadgarin yung balat)
1/2 cup Barbeque Sauce
2 tbsp. Worcestershire Sauce
2 tbsp. Soy Sauce
1/2 cup Honey with Lemon
2 tbsp. brown sugar
1 thumb size ginger sliced
1 large onion sliced
5 cloves minced garlic
2 tbsp. cooking oil or butter
salt and pepper to taste
1/2 cup chopped Wansuy or cilantro
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa asin, paminta, katas ng lemon, ginadgad na balat ng lemon at worcestershire sauce. Hayaan ng mga 30 minuto.
2. Sa isang kawali o non-stick pan, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa butter o mantika.
3. Ilagay ang minarinade na manok. Halu-haluin at takpan.
4. Kung malapit nang maluto ang manok, ilagay ang carrots. Hayaan ng mga 2 minuto.
5. Huling ilagay ang barbeque sauce, honey at brown sugar. Halu-haluin at hayaan ng mga 2 minuto pa.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang hinwang wansuy.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
-from someone who's still learning how to cook:)
Thanks again...
Dennis