CHICKEN, VEGETABLES & MACARONI SOUP
Paborito ng anak kong si Anton itong entry natin for today. Kahit ito lang ang ipakain mo sa kanya ay okay na okay na siya. Kaya naman nitong bago mag-undas nang umuwi kami ng Batangas ay nagluto ako nito para sa aming almusal.
Tamang-tama dahil nung araw na yun ay magdamag na umulan at napakalamig ng umaga. Ayos na ayos ang mainit na sopas para pang-almusal.
CHICKEN, VEGETABLES and MACARONI SOUP
Mga Sangkap:
500 grams Elbow Macaroni Pasta
2 whole Chicken Breast
1 large Carrots cut into strips
1/2 Repolyo chopped
1 big can Alaska Evap (red label)
1 large Onion chopped
5 cloves Minced Garlic
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluan hanggang sa tubig na may asin at paminta ang manok hanggang sa maluto at lumambot. Hanguin ang manok at palamigin. Himayin ang laman at itabi sa isang lalagyan.
2. Sa isa pang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
3. Ilagay ang sabaw ng pinaglagaan ng manok. Hayaang kumulo.
4. Ilagay ang macaroni at ang hinimay na manok. Hayaang kumulo hanggang sa maluto at umalsa na ang macaroni.
5. Kung luto na ang macaroni ay saka ilagay ang carrots.
6. Ilagay na din ang alaska evap at ginayat na repolyo.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments
Masarap din kung lalagyan mo ng all purpose cream. Mas malinamnam ang sabaw. hehehe