GINATAANG ALIMASAG
Last Saturday namalengke ako sa Farmers market sa Cubao. Plano kong bumili ng hipon para kako mapag-sigang. Medyo matagal-tagal na din kaming hindi nakakakain ng sinigang na hipon. At ang ginawa ko isinigang ko ito sa calamansi. Pero hini hindi ang ipo-post ko ngayon. abangan nyo na lang ang posting ko para dito.
Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay itong alimasag na nabili kasama ng hipon. Medyo may kamahalan ang seafoods dito sa Farmers market. Pero bumili pa rin ako kahit 1 kilo lang. P220 ba naman ang kilo at ilang piraso lang ito.
Pauwi kami ng Batangas nung araw na yun kaya naman napabili ako nito para kako sa aking biyenan na si Inay Elo. Gusto kasi niya nitong alimasag na may gata at ipagluluto ko kako siya.
GINATAANG ALIMASAG
Mga Sangkap:
1 kilo Alimasag
2 cup Purong kakang gata
1 thumb size Ginger sliced
5 cloves minced Garlic
1 large Onion choppep
3 pcs. Siling pang-sigang
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain sa dalawa ang mga alimasag.
2. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
3. Ilagay ang kakang gata at siling pang-sigang. Hayaan ng mga 5 minuto.
4. Ilagay na ang alimasag at timplahan ng asin at paminta. Takpan at hayaang maluto.
5. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments