GROUND CHICKEN with SQUASH in OYSTER SAUCE


Another dish by accident ang entry ko sa inyo for today. By accident kasi hindi ko alam kung may ganito talagang dish. Dapat kasi gagawa ako ng chicken burger with mushroom gravy, kaso parang gahol na ako sa oras kasi nga maagang papasok ang mga anak ko sa school. Ito pa naman dapat ang baon nila.

Kaya ang ginawa ko niluto ko na lang ang giniling na manok sa kung ano ang available na sangkap sa bahay. Nakita ko nga ang kalabasa na dapat sana ay gagawin kong pumpkin soup na hindi na din natuloy sa ano mang kadahilanan.

By anyways, masarap ang kinalabasan ng dish na ito kahit by accident lang. Hehehehe. Try nyo din. Okay na okay ito sa mga nagmamadali. Pwede din kayong gumamit ng ibang gulay katulad ng baguio beans, chicharo o kaya naman ay repolyo.


GROUND CHICKEN with SQUASH in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
500 grams Ground Chicken
250 grams Squash cut into cubes
1/3 cup Oyster Sauce
1 head Minced Garlic
1 medium size Onion chopped
2 tbsp. Soy Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
1 tbsp. Sesame oil
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang bawang hanggang sa ma-tusta at mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sunod igisa ang sibuyas. Halu-haluin
3. Ilagay ang giniling na manok At timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng karne ng manok.
4. Ilagay na ang kalabasa at timplahan ng toyo, brown sugar at oyster sauce. Halu-haluin. Lagyan ng kaunting tubig at takpan hanggang sa maluto ang kalabasa.
5. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para medyo lumapot ang sauce.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Ilagay ang sesame oil bago hanguin. Ibodbod sa ibabaw naman ang piniritong bawang.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Anonymous said…
ang galing nyo po magluto..

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy