INSTANT KUNG PAU CHICKEN
Noon ko pa gustong i-try na mag-luto nitong sikat na sikat na Kung Pao Chicken. Marami na din akong nabasa na mga recipe at desidido talaga akong i-try. Pero yun nga wala akong lakas ng loob na i-try ito. Hehehehe
Kaya naman nang makita ko itong bagong produkto ng Clara Ole ito agad ang naisip kong gawin. Although pang-pasta ang sauce na ito, masarap din ito as kung pao chicken.
Kaya eto, i-try nyo ang aking instant Kung Pao Chicken
INSTANT KUNG PAO CHICKEN
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Breast Fillet (cut into cubes)
1 sachet (220ml) Clara Ole Kung Pao pasta sauce
1 large Green Bell Pepper cut into cubes
1/2 cup roasted peanuts
2 tbsp. Chili Sauce
1 thumb size Ginger
5 cloves minced Garlic
1 large Onion sliced
1 tbsp. Sesame oil
2 tbsp. Cooking oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang chicken fillet ng asin at paminta. Hayaan ng mga 30 minuto.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang manok sa kaunting mantika hanggang sa mawala ang pagka-pink nito.
3. Igisa ang luya, bawang at sibuyas sa parehong kawali. Halu-haluin.
4. Ilagay ang Kung pau pasta sauce at chili sauce. Halu-haluin at hayaan ng mga 5 minuto.
5. Ilagay na din ang green bell pepper at roasted peanuts
6. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Ilagay ang sesame oil at saka hanguin sa isang lalagyan.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments