ITALIAN CHICKEN SAUTE
Ang sosyal naman ng dating ng entry natin for today. Italian chicken saute. Pero sa totoo lang Chicken afritada lang ito na nag-level-up. hehehehe.
Nakuha ko lang ang recipe na ito dun sa label ng Del Monte Four Cheese Pasta Sauce na ginamit nitong isang araw. Remember yung Macaroni na niluto ko? Yup, hindi ko nilagay lahay yung sauce. Siguro mga kulang-kulang 2 cups pa yung natira..kaya ito yung recipe na pinag-gamitan ko. Nilagyan ko na lang ng ng kaunting twist para mas sumarap pa ang dish na ito.
ITALIAN CHICKEN SAUTE
Mga Sangkap:
1 whole Chicken cut into serving pieces
100 grams Bacon chopped
2 cups Del Monte Four Cheese Pasta Sauce
2 pcs. Potatoes cut into cubes
1 large Carrot cut into cubes
2 pcs. Red bell pepper
5 cloves Minced Garlic
1 large Red Onion chopped
1 tsp. Dried Thyme
2 tbsp. Olive oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
2. Isunod na ilagay ang bacon. Halu-haluin hanggang sa medyo ma-toast ito.
3. Ilagay na ang Manok. Timplahan ng asin, paminta at dried thyme. Halu-haluin. Takpan at hayaang masangkutsa ang manok.
4. Ilagay ang Four cheese pasta sauce, patatas, carrots at red bell pepper. Takpan at hayaang maluto ang patatas.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Happy Thanksgiving po.