SINAMPALUKANG MANOK - Dapat sana Tinola :)



Dapat sana tinolang manok ang gagawin kong luto sa manok na ito. Kaso, sa aking pagmamadali para makauwi na ng bahayalimutan kong dumaan sa palengke at bumili ng mga gulay na kailangan dito. Hindi pala ako nag-i-stock na gulay sa fridge kasi nga nasasayang lang.


Pag-check ko ng fridge pagdating ko sa bahay, tiningnan ko kung ano ang pwede kong isahog sa manok na ito na aking lulutuin. May nakita akong kamatis, konting sitaw at luya. Sinamnalukang manok agad ang pumasok sa isip ko kaya ito nga ang ginawa kong luto.


Sa amin sa Bulacan, ang sinampalukang manok ay usbong na dahon ng sampalok ang ginagamit na pang-asim. Pero komo nga last minute na yung naging decision ko, sinigang mix na lang ang ginamit ko dito.


Kinabukasan habang nagba-browse ako ng mga recipe sa website ni Mama Sita, nakita ko doon ang recipe niya ng sinampalukang manok. To my surprise, halos parehong-pareho ang recipe niya sa akin. Ang pagkakaiba lang ay tamarind paste ang ginamit niya sa halip na sinigang mix.


Sobrang proud ako sa dish na ito hindi dahil ako ang nagluto. Kundi talagang masarap ang kinalabasan lalo na ang sabaw. Malasa at tamang-tama ang asim ng sinigang mix.




SINAMPALUKANG MANOK


Mga Sangkap:
1 whole Chicken cut into serving pieces
1 tali Sitaw
1 small sachet Sinigang mix
1 large onion sliced
5 cloves minced garlic
2 large tomato sliced
1 thumb size Ginger sliced
4 pcs. Siling pang-sigang
salt or patis to taste


Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika. Halu-haluin.
2. Ilagay ang manok at timplahan ng asin o patis. Hayaan lang na masangkutsa at maluto sa sarili nitong mantika.
3. Lagyan ng tubig sa nain na dami ng sabaw.
4. Ilagay na din ang siling pang-sigang at sitaw. Takpan at hayaang maluto ang manok at sitaw.
5. Huling ilagay ang sinigang mix.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.


Ihain habang mainit pa ang sabaw.


Enjoy!!!!

Comments

Marana said…
wow, parang sinigang lang to, hehe

Lesley
Unknown said…
agree, parang sinigang kz may kamatis at sitaw...pero tipo nga masarap ang sabaw nyan. kuha na ng patis at durugan na ng sili, nakow kuya, magsaing ka ng marami:)))
warr_shee said…
mukhang masarap ito ah..subukan ko iluto ito..
Noobfoodie
Chubskulit Rose said…
Hmmmn I never tried maing this dish yet, mukhang masarap.

Spice Up Your Life
Dennis said…
@ MommyLES.... Opo sinigang nga po ito..pero ang tawag sa amin nito sa BUlacan ay sinampalukan...komo nga sampalok ang pang asin na ginamit. In the original sinampalukan..murang dahon ng sampalok ang ginagamit.

@ imriz....Yes...panalo ang patis at dinurog na sili...hehehehe...mapaparami ang kanin mo niyan...hehehe

@ AnneYP....Panalo ito lalo na ang sabaw...hehehe

@ chubskulit....subukan mo ito at panalo ang asim at anghang ng sabaw...dont forget the ginger... ;)

@ Willa....Sabaw ang the best sa dish na ito...hehehehe
sheng said…
wow mukhang napakasarap nito sa mainit na kanin...

parang gusto kung magluto nito kung hindi lang ako allergy sa manok...

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy