ANONG MASARAP PANG NOCHE BUENA? - PART 1

MALIGAYANG PASKO sa inyong lahat!!!!

Talagang hindi na natin mapigilan ang papalapit na Pasko. Alam kong abala na ang lahat sa pamimili ng kanilang pang-aginaldo at ano pang ihahanda sa Pasko.

Syempre ang Noche Buena. Ano ba ang masarap na ihanda sa napaka-espesyal na okasyong ito? Well, depende. Kung may budget o wala. Hehehehe. But seriously, kahit naman tag-hirap ang buhay natin ngayon hindi maaring hindi tayo maghanda kahit papaano sa Noche Buena.

Kaya naman naisipan kong mag-post ng mga recipe na pwede nyong ihanda sa Noche Buena. Siguro depende na lang sa budget kung ano ang gusto nyong i-handa.

Kung isang simpleng espesyal na kanin at ulam ang gusto nyo, pwede siguro ang Beef Pochero at kanin. Kumpleto na ito. Msarap ang sauce at marami na ding gulay.

Para maiba naman sa pangkaraniwang spaghetti, pwede nyo ring i-try itong Pasta with Basil, Garlic, Ham and Bacon.

Ofcourse, all-time favorite ang Lechong Manok. Kung mayroon kayong oven o kaya naman ay turbo broiler, pwede nyong subukan ang Anton's Chicken recipe ko. Kunin nyo lang yung katas na pinaglutuan nitong manok na ito, lagyan lang ng butter at kaunting harina, may instant gravy ka na.

Always special ang Butter-Garlic Shrimp sa anumang handaan. Yun lang medyo may kamahalan ang hipon sa panahong ito. Pero panalo ito sa lasa.

Espesyal din kung maghahanda kayo ng Aligue Rice na samahan mo pa ng buttered shrimp. Yummy ito. Hinay-hinay lang ang medyo mataas ang cholesterol nito. Panalo ito lalo na kungh pipigaan mo pa ng calamansi ang rice na ito.

Kung ayaw nyo ng aligue rice, pwede din naman ang Arroz Valenciana na ito. Konting chicken meat, sausages at atay ng manok panalo ang lasa nito.

At sino ang aayaw sa roasted pork leg o crispy pata. With matching suka na may toyo, calamansi at sili...winner ito as a main dish sa ating hapag.

Ang daming masarap lutuin at kainin this Noche Buena. Again depende sa budget...hehehehe. Ang mahalaga ay magkasama-sama ang pamilya sa hapag. Kahit siguro isang simpleng handa ay okay na.
Huwag sana nating kakalimutan na ang Pasko ay hindi sa pagandahan ng dekorasyon, pamahalan ng mga damit na isusuot o kaya naman ay paramihan at pasarapan ng pagkaing ihahanda. Si Hesus nga bagamat anak siya ng Diyos ay piniling isilang sa isang hamak na sabsaban kasama ang mga hayop. Ang importante nagsasam-sama ang pamilya at patuloy na nagmamahalan.
Amen......
Abangan ang part 2 . . . .

Comments

J said…
lechon! lechon! lechon! Hehehe.
Unknown said…
Would like to recommend my 'yellow rice and chorizo chicken relleno': http://homecookingdiva.com/chicken-stuffed-with-yellow-rice-and-chorizo

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy