ANONG MASARAP PANG NOCHE BUENA? - PART 2


Narito ang part 2 ng entry ko tungkol sa mga pagkain na pwed nating ihanda sa Noche Buena.

Sabi ko nga, hindi importante kung gaano karami o gaano kasasarap ang pagkain na ating ihahanda. Ang mahalaga ay ang pagsasama-sama ng pamilya sa isang hapag. Pero komo nga ang Pasko at ang Noche Buena ay isa sa napaka-halagang okasyon sa atin sa loob ng isang taon, marapat lang na paghandaan talaga natin ito.

Narito muli ang ilan sa mga suhestiyon ko n nai-post ko na din dito sa aking blog. Check nyo na lang sa archive ang recipes sa mga ito:


Espesyal syempre ang sweet and sour fish na ito. Lapu-lapu ang pangkariwang isda na ginagamit dito although pwede kahit anong medyo may kalakihang isda.



Mawawaa ba ang Kare-kareng Buntot ng Baka sa ating hapag? Panalong-panalo ito lalo na kung may kasarapan ang ating bagoong.


Porkloin Asado. Panalo din ang dish na ito lalo na yung sauce na kasama dito. Ayos na ayos ito lalo na kung may bisita kayo na darating.


Sa mga mahilig sa isda, ito ang isang dish na winner talaga. Pan-grilled Tuna Steak with Creamy herbed sauce. Sauce pa lang nito ay ulam na.


Ito ang dish na talaga namang maipagmamalaki ko talaga. Nai-post ko nga ito sa isang international na food blog. Chicken in Honey-Lemon & Ginger Sauce. Tiyak kong magugustuhan ito ng mga bagets.


Sa lahat ng mga pasta dishes na nagawa ko na, ito namang Pasta Aligue ko ang paborito ko talaga. Panalong-panalo talaga ang lasa nito at kakaiba sa mga pangkaraniwang luto sa pasta. Kaya sa Noche Buenang darating ito ang highly recommended ko. Simple pa itong lutuin. Ang importante lang dito ay yung good quality ng taba ng talangka na gagamitin.



Nag-comment ang kaibigan kong si J sa part 1 ng post kong ito na lechon daw ang gusto niya. Ito ang pang-tapat ko sa lechon na yun. Yun nga lang 1 pata lang ito. May kamahalan kasi ang isang buong lechon. hehehehe. Kaya ito na lang Turbo broiled crispy pata ang ipalit natin. Pwede ding iluto ito sa oven.

Ang dami ko pang dish na gusto kong i-share sa inyo for this Noche Buena and Media Noche. Yun lang ayaw ko ding ma-focus ang mga okasyong ito sa pagkain. Ang importante ay ang tunay na diwa ng mga araw na ito. Ang pagpapaalala na si Hesus ay ipinanganak para sa ating lahat.

Huwag nating ialis ang tunay na bida ng Pasko. Si Hesus.

Amen.....

Comments

J said…
Yehey na-extra ako sa blog ni kuya! Ang sarap ng pata mo kuya hehehe! Anong marinade ang ginamit mo? Saka parang nagutom ako sa kare-kareng buntot. Grabe, kakamiss!
Dennis said…
Thanks J....Pinakuluan ko lang ito sa tanglad, bawang, sibuyas, laurel at maraming asin. Sinabi mo...ang sarap talaga ng kare-kareng buntot ng baka...hehehehe
Ang sasarap naman ng mga ito, swerte ng mga bisita nyo sa pasko at ang sarap ng handa nyo. :D
Marana said…
wow, gusto ku yung steak with creamy mukhang masarap talaga siya.

Noobfoodie
Anonymous said…
asus, super nakakagutom nman d2 kuya:)

trip kong itry un porkloin asado,parang chicken roll ba iyan? paturo naman po:)

saka un cream herb sauce, mind sharing how-to?

salamat ng madami.
Anonymous said…
etu po pla email ko, tnx
Anonymous said…
ooopppsss, naiwan pla, ahehe

riz2home@yahoo.com

nagutom kz:)))
agent112778 said…
si kapatiud ang magluluto sa poasko ako sa new year at "inihaw" ang tema ko sa new year...

i agree, its not the food its the bonding

here's my food TRIP friday entry
Jenn Valmonte said…
Salamat sa mga suhestiyon, Dennis. Gusto kong i-try ang tuna at chicken.

my Food Trip Friday post

Happy weekends!
Dennis said…
@ Foodtripfriday.....No...hindi ito ang handa ko sa Pasko...hehehe...Hairap kungito ang lahat ng handa...hehehe. Ito yung mga suggestion ko lang. Actually, nai-post ko na ang mga recipes nito at nasa archive na lahat.

Merry Christmas
Dennis said…
@ DadEngrMommyLes.. . .Tama ka..masarap nga itong Tuna Steak na itop with creamy herbed sauce...Nasa archive yung recipe nito under seafoods or fish.
Dennis said…
@ IamClarizze.....Nasa archive lahat ang recipes ng mga food na ito. Click mo lang kung saang label siya.

Yung porkloin asado hindi yun naka-roll...ganun talaga ang cut nun paf nabili mo na sa palengke or supermarket.

Thanks
Dennis said…
@ Jen Valmonbte...Tama ang choices mo....ako din personal favorite ko yung dalawang yun. Yummy talaga. Check mo na lang sa archive yung recipes.

Thanks

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy