CHICKEN ala KING


Nitong isang araw nag-request ang mga officemate (clinic) ng asawa kong si Jolly na magdala ng ulam sa office nila. Nagtanong agad siya sa akin that night kung ano ang pwede niyang dalhin na luto ko. Nag-check naman ako sa fridge kung ano nga ang pwede kong iluto. Dalawa lang a ng naisip ko that time. Lechon macau at chicken ala king without the crust. Yung chicken ala kng ang napili ko. Bukod kasi sa talaga namang masarap ito, kumpleto ang sangkap na gagamitin ko dito.

Nakakatuwa at nagustuhan ng asawa ko ang luto ko. Alam ko basta sinabi niyang masarap e masarap talaga. Number critic ko kaya siya. Hehehehe


CHICKEN ala KING

Mga Sangkap:

1 kilo Skinless chicken breast fillet cut into small cubes
2 cups All Purpose Cream
2 large Red or Green Bell pepper cut into cubes1 large Carrots cut into cubes
2 large Potatoes cut into cubes
2 cups Whole button mushroom cut into half (itabi yung sabaw nito)
5 cloves Minces Garlic
1 large Onion Sliced
Salt and pepper to taste
1/2 cup Butter
1 tbsp. Cornstarch
1 tsp. Maggie magic Sarap

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang chicken fillet. Hayaan muna ng mga 1 oras.
2. Sa isang non stick na kawali, i-prito ang chicken fillet sa butter hanggang sa medyo pumula at mawala ang pagka-pink nito.
3. Itabi ng kaunti sa gilid ng kawali ang manok at igisa ang bawang at sibuyas.
4. Ilagay ang patatas, carrots at sabaw ng button mushroom. Takpan at hayaang maluto ang patatas.
5. Kung malapit nang maluto ang patatas ay saka ilagay ang red o green bell pepper at sliced button mushroom.
6. Ilagay na din ang all purpose cream at maggie magic sarap.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.
8. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot pa ang sauce.

Ihain na may kasama crusted bread o mainit na kanin.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Sarap!!! Kuya padalhan mo din ako niyan ehehehe.
Dennis said…
Sige J...ano ang address mo at papadalhan kita.....hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy