ROASTED BABY BACK RIBS in SPRITE and BARBEQUE SAUCE
Narito ang pangalawang dish na niluto ko nitong nakaraan naming Media Noche. Roasted Baby back ribs in Sprite and barbeque Sauce.
May ilang entries na din ako about baby back ribs or barbeque spare ribs sa archive. Mukhang pare-pareho lang pero may pagkakaiba din lalo na kung papaano ito niluto and ofcourse yung mga istorya sa likod nito. Hehehehe.
Kagaya na lang nitong baby back ribs na ito. Komo nga may party pa kami na a-attend-an nung gabing yun, inilaga ko na in advance ang karne at saka ko na lang kako iro-roast. Ang nangyari nga 45 before new year ay hindi ko pa ito naisasalang sa turbo broiler. Kaya ayun tinodo ko na lang ang init ng turbo broiler and presto isang masarap na dish pa rin ang aking nagawa. Okay lang naman ang ganun. Malambot na kasi yung laman ng ribs at iba-brown na lang ang kailangan. Puring-puri ang ribs na ito ng gabing yun.
ROASTED BABY BACK RIBS in SPRITE AND BARBEQUE SAUCE
Mga Sangkap:
1.2 kilo Whole Baby Back Ribs
1 can Sprite Soda
1 cup Barbeque Sauce for marinade
1/2 cup Soy sauce
1/2 cup Brown Sugar
1 head Minced Garlic
1 tsp. Ground Black pepper
1 tbsp. Rock salt
Paraan ng pagluluto:
1. Pagsamahin ang sprite, 1/2 cup barbeque sauce, bawang, toyo, brown sugar sa isang bowl.
2. Kiskisan ng asin at paminsa ang paligin ng baby back ribs.
3. Sa isang plastic bag ilagay ang ribs at ang pinaghalong marinade mix. Hayaan ng mga 2 oras o higit pa.
4. Pakuluan ang ribs kasama ang marinade mix sa isang kaserola hanggang sa lumambot ang laman ng ribs. Maaring lagyan pa ng sprite o tubig kung kinakailangan pa.
5. Kung malambot na hanguin at palamigin sandali.
6. Kumuha ng mga 1/2 tasa nang pinaglagaan ng ribs. Ihalo dito ang 1/2 cup pa na barbeque sauce at lagyan pa ng mga 2 kutsarang brown sugar.
7. Lutuin ang ribs sa oven o sa turbo broiler sa init na 250 degrees sa loob ng 1/2 oras o hanggang sa mag-brown lang ang balat nito.
8. Pahiran ng barbeque sauce ang karne from time to time hanggang sa maluto.
9. Maaaring salain ang natira pang sabaw ng pinaglagaan ng ribs at ilagay sa isang sauce pan.
Lagyan ng konting cornstarch, brown sugar at natitira pang barbeque sauce at muling islang sa apoy. Haluin hanggang sa lumapot ang sauce.
Ihain ang baby back ribs kasama ang barbeque sauce na ginawa.
Enjoy!!!!
Comments