BACON, PIMIENTO and CHEESE PASTA
Nag-celebrate nga kami ng aming 13th wedding nitong nakaraang January 31 at itong entry ko for today ang pasta dish na aking inihanda. Request ng asawa kong si Jolly na magluto daw ako ng pasta. Yun daw masarap na madali lang lutuin.
Gustong-gusto ko ang pasta dish na ito. Ang sarap kasi ng lasa nung bacon at nung pimiento sa cheese. Yummy yung smokey taste ng bacon at yung alat ng cheese.
BACON, PIMINETO and CHEESE PASTA
1 kilo Spaghetti pasta (cooked according to package directions)
2 cups Cheese Wiz (yung with pimiento)
2 tetra brick All Purpose Cream
300 grams Bacon sliced
2 cups Pimiento in water cut into small pieces
1 cup Parmersan cheese
1 head Minced Garlic
1/2 cup Butter
1 cup Full Cream Milk
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang pasta according to package directions.
2. Sa isang sauce pan, i-prito ang bacon sa butter hanggang sa mag-golden brown at medyo crispy. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Igisa ang bawang hanggang mag-golden brown.
4. Isunod ang pimiento. Isama na din ang sabaw nito. Hayaan muna ng mga ilang minuto.
5. Ilagay na ang cheese wiz, all purpose cream at full cream milk. Patuloy na haluin.
6. Timplahan ng asin at paminta. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Ibalik sa cream sauce ang kalhati ng piniritong bacon
8. Ihalo ang cream sauce sa nilutong pasta. Haluing mabuti.
9. Ilagay sa ibabaw ang natira pang bacon at parmesan cheese.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Dennis