CHEESY CILANTRO AND CHICKEN PASTA
Nitong nakaraang Valentine Dinner namin sa bahay, sinadya ko talaga na mga healthy dish ang ang ipe-prepare. Heart Day di ba? So hindi lang para sa mag-sing-irog ang Valentines kundi para mapangalagaan din natin ang ating mga puso.
At ito ngang pasta dish na ito ang isa sa aking mga naisip na iluto. Actually, instant na lang na naisip ko na ganitong luto ang gawin ko sa pasta. May natira pa akong breast fillet na naka-marinade sa cilantro, garlic at lemon (may separate posting ako para sa dish na ito) at ito nga ang isinahog ko sa pasta. Nakakatuwa naman at nagustuhan ng aking asawa ang aking niluto. Yun kasi ang gusto niya na luto sa pasta. Yung hindi masyadong ma-sauce.
Try nyo itong pasta dish na ito. Masarap, healthy sa heart at madali lang gawin.
CHEESY CILANTRO AND CHICKEN PASTA
Mga Sangkap:
300 grams Spaghetti pasta cooked according to package direction
2 pcs. Whole Skinless Chicken Breast Fillet (sliced then marinated in 3 tbsp. Olive oil, 1/2 Lemon juice, 2 tbsp. chopped cilantro, 3 cloves minced garlic, salt and pepper)
1 cup Grated Quick Melt Cheese
1/2 cup Chopped Cilantro
1 whole Minced Garlic
1 cup Parmesan cheese
Paraan ng pagluluto:
1. Iluto ang spaghetti pasta according to package direction. Huwag i-over cooked.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang chicken fillet sa kaunting olive oil hanggang sa mawala ang pagka-pick ng kulay nito.
3. Sunod na igisa ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
4. Ilagay ang grated cheese, chopped cilantro at pasta noodles.
5. Ilagay ang natitira pang olive oil at timplahan pa ng asin at paminta. Haluin mabuti hanggang sa maghalo ang lahat ng sangkap.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng parmesan cheese sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
musta na,dennis?
heto i'm back
sarap nito
Yup...yummy yan...with cheese and cilantro? walang katalo-talo yan....heheheh
Regards