CHICKEN LIVER, KIKIAM and VEGETABLES STIR FRY


Stir frying ang isang lutuin na napakadali lang gawin. Kahit siguro beginner sa pagluluto ay kayang itong gawin. Basta kumpleto lang ang mga sangkap lalo na ang mga pampalasa, sugurado akong walang mintis ang kakalabasan.

Sa mga nagmamadali palagi yung halimbawa ay galing ka pa sa iyong trabaho at naghihintay na for dinner ang iyong mga anak, itong stir fry dish na ito ang ayos na ayos.

Itong dish na ito siguro maluluto mo sa loob lang ng mga 15 minutes.


CHICKEN LIVER, KIKIAM and VEGETABLE STIR FRY

Mga Sangkap:

500 grams Chicken liver

2 cups Sliced Chinese Kikiam

300 grams Cauliflower cut into bite size

100 grams Baguio beans cut into 1 inch long

1 large Carrot cut the same as the baguio beans

1/2 cup Oyster Sauce

2 tbsp. Soy Sauce

4 cloves minced Garlic

1 medium size Onion sliced

1 tsp. Cornstarch

1 tsp. Brown Sugar

Salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:

1. Sa kaunting mantika i-prito ang chicken liver sa isang non-stick na kawali.

2. Kung medyo naluto na ang chicken liver, ilagay ito sa may gilid ng kawali at igisa ang bawang at sibuyas.

3. Lagyna ng 1 tasang tubig at timplahan ng asin at paminta. Hayaan ng mga 2 minuto.

4. Ilagay na ang lahat ng mga gulay. Halu-haluin

5. Ilagay na din ang oyster sauce, toyo at brown sugar. Patuloy na haluin.

6. Huling ilagay ang kikiam. Ilagay na din ang tinunaw na cornstarch. Tikman at i-adjust ang lasa.

Hanguin sa isang lalagyan at ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Dennis said…
Hi Rikka.....3 words....masarap,...malasa...simple

Thanks for visiting mg blog.


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy