CILANTRO LEMON CHICKEN



Sa kagaya ko na diabetic, importante ang pagsunod sa mga diet na sinasabi ng doctor. Ika nga, we need to watch our diet. Kung hindi baka maaga ang ating paglisan sa mundo, the worse, maghirap tayo sa pagpapagamot.

Kaya naman natutunan ko na mag-research ng mga pagkain na masustansya, tama sa aking diet at hindi tipid sa lasa.

Isa na dito itong entry ko for today. Cilantro Lemon Chicken. Actually, lime ang ginamit sa original recipe na nabasa ko. Pero komo lemon ang available sa aking fridge, ito na lang ang aking ginamit. Nakakatuwa lang at masarap ang kinalabasan ng dish na ito. ito rin pala ang ibinaon ng aking mga kids sa kanilang lunchbox.

3 words, yummy, healthy and easy to prepare.

CILANTRO LEMON CHICKEN

Mga Sangkap:

5 Whole Skinless Chicken Breast Fillet cut into half

1 pc. Lemon

1/2 cup Chopped Cilantro

1/2 cup Olive oil

Salt and Pepper to taste

Paraan ng Pagluluto:

1. I-marinade ang chicken fillet sa lahat ng mga sangkap. Hiwain din ang balat ng lemon at isama o ihalo sa minarinade na manok. Hayaan na naka-marinade ng 1 araw o overnight sa fridge.

2. I-ihaw ito sa non-stick na kawali hanggang maluto at pumula ang balat. Maaring lagyan ng kaunting olive oil ang kawali.

I-slice at saka ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Jenn Valmonte said…
Skinless chicken breasts - magugustuhan ng kuya ko ito.
Dennis said…
Tiyak ko namagugustuhan yan ng Kuya mo....masarap, healthy at madaling lutuin.

Thanks for visiting Ms. jen

:)
warr_shee said…
masarap ata yan. and mukhang healthy pa. Noobfoodie
Dennis said…
Yes Lesleyanne YP.....masarap din itong kasama sa pasta alfredo
Anonymous said…
hi po, san po makakabili ng lime sa tin? ano po ba tagalog nito? may nakita po kasi ako sa landmark "baguio lemon" kulay green yun din po ba yon?
Anonymous said…
saan din po kayo bumibili ng rice flour??

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy