COCA COLA ROAST PORK



What? Coke sa roasted pork? Yup. Hindi kayo nagkakamali ng basa mga kapatid. Di ba ang Sprite o kaya naman ay 7-Up ay ginagamit din na pang-marinade sa mga paborito nating barbeque dishes? Dito taman ang paborito nating Coke ang bida.

Actually, nabasa ko lang din sa isang food blog na coke ang gamitin na pang-marinade. Pero hindi ko sinunod ang recipe na nandun. Gumawa ako ng sarili kong recipe base na din sa flavor na gusto kong ilagay sa aking roasted pork.


COCA COLA ROAST PORK

Mga Sangkap:

1.5 kilo Pork Kasim (cut like a log)

2 cups Coke

1 head Minced Garlic

1/2 cup Sweet soy sauce

2 tbsp. Worcestershire Sauce

1 tsp. Ground Black pepper

2 tbsp. Muscovado Sugar or brown sugar

Salt to taste


Paraan ng Pagluluto:

1. Lagyan ng asin ang karne ng baboy. Hayaan ng ilang sandali.

2. Sa isang bowl pagsamahin ang lahat ng mga sangkap. I-marinade ang karne ng baboy ng isang araw o overnight.

3. Lutuin ito sa turbo broiler sa init na 250 degrees sa loob ng 45 na minuto hanggang sa isan oras o hanggang sa maluto ang karne.

4. I-brush ng marinade mix ang karne paminsan-minsan.

5. To make the sauce, pakuluan ang marinade mix at lagyan ng mga 1.2 tsp. na cornstarch.

6. Tikman at i-adjust ang lasa.

Hiwain ang nilutong karne sa nais na kapal at buhusan ng sauce sa ibabaw bago ihain.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Weh! Gumawa din ako nito kuya pero beef ginamit ko! Di ko pa lang napopost kasi dami pa nakahanay hehehe. Galing ah, pareho tayo ng kinakain kahit worlds apart tayo.
Dennis said…
J hindi ko alam na may food blog ka din? saan ang link para mabisita ko din. Salamat :)

Dennis
gorgeousixai101 said…
Hi again! I tried this recipe but instead of iroast (dahil wala po kmeng turbo) i grilled it..and still taste delicious and appetizing.. thank you again..keep it up.. lalong gumana sa pagkain ang husband ko at mga kids..God Bless!!
Enma Ai said…
This comment has been removed by the author.
Enma Ai said…
wow! ngayon ko lang po nalaman merong ganito pala. Might as well try to cook this for my son's 8th month birthday. :) thank you po sir Dennis. mukhang complicated ang title, pero its amazing how you simplified it. :) malt beer with pineapple juice pa lng po natry ko for marinate then ham yung mgiging result. now I have a new surprise for my family. Thanks alot! God bless!
Enma Ai said…
This comment has been removed by the author.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy