CRISPY CHICKEN FILLET COATED with HOISIN SAUCE
Chicken ang favorite na ulam sa bahay. Kahit anong luto dito ay tiyak na panalo sa aking mga anak. Tuyo o may sauce man o kahit yung may sabaw ay gustong-gusto nila. Kaya naman kung 2 beses isang linggo lang ay ito ang ulam namin. Sabagay, mas mainam na ito kesa sa baboy di ba?
Ang dish pala na ito ay halos kapareho lang nung entry ko nitong isang araw. Yung Chicken lollipop na may hoisin-sesame glaze. Masarap talaga ang dish na ito kaya nagkaroon ako ng repeat but using thigh fillet naman. Masarap ito lalo na kung bagong luto. Two ways pwede itong kainin. Pwedeng nakahalo na yung sauce o kaya naman ay gawin mong dip ang sauce. Basta kahit alin sa dalawa ay yummy pa din ang dish na ito. Tiyak kong magugustuhan ng mga bata. At mga young at hearts din syempre. hehehehe
CRISPY CHICKEN FILLET COATED with HOISIN SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh fillet
1 pc. Egg beaten
5 pcs. Calamansi
1 cup Flour
1 cup Cornstrch
1/2 cup Hoisin Sauce
1/3 cup Sweet Soy Sauce
2 tbsp. Brown Sugar
2 tbsp. Toasted Sesame Seeds
1 tbsp. Sesame oil
salt and pepper
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang chicken fillet sa asin, paminta at katas ng calamansi. Hayaan ng 1 oras o higit pa. Overnight mas mainam.
2. Bago i-prito, lagyan ng binating itlog at saka i-coat ng pinaghalong harina at cornstarch.
3. I-prito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
4. Sa parehong kawali, magtira lamang ng mga 2 kutsarang mantika.
5. Ilagay ang sweet soy sauce, hoisin sauce at brown sugar.
6. Ibalik sa kawali ang piniritong chicken fillet. Ilagay na din ang sesame oil. Haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng manok.
7. Budburan ng toasted sesame seeds at saka hanguin sa isang lalagyan. Maaring lagyan ng hiniwang dahon ng sibuyas sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments