CRISPY PATA & VEGETABLES SALAD
Ito ang dalawa sa mga pagkaing inihanda ko nitong nakaraan naming wedding anniversary. Isang healthy at isang hindi healthy na pagkain. Hehehehe.
Syempre, una ang paborito kong crispy pata. Yung alam natin na crispy pata ay yung ipiniprito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at lumutong ang balat. Yun lang ang problema sa ganung paraan ng pagluluto ay yung danger na matilansikan ka ng pumuputok at kumukulong mantika. Para maiwasan ang ganung aksidente, mas mainam na sa oven o sa turbo broiler na lang ito lutuin. At yun ang ginawa ko.
Marami na akong recipe ng lechong kawali o crispy pata sa archive. Well, ang sekreto lang naman ng masarap na crispy pata ay yung tamang pagpapalambot sa pata at yung tapang pagluluto nito sa oven o sa turbo broiler.
Una, pakuluan ang pata sa tubig na may asin, pamintang buo, 1 head na bawang, 2 large na sibuyas. Dapat lubog sa tubig ang pata. Dapat din ay dagdagan ang asin para lumasang mabuti sa laman ng pata. Kung malambot na ang pata, palamigin ito at ilagay sa freezer. Maaring gawin ito 2 days bago lutuin sa turbo broiler.
Kung lulutuin na, i-set ang turbo broiler sa init na 200 to 250 degrees. Lutuin ito hanggang sa pumula at lumutong ang balat. Para mapalutong ang balat, pahiran ng malamig na tubig ang balat ng pata from time to time.

Madali lang ang vegie salad na ito na ginawa ko. Romane lettuce, sliced tomatoes, cucumber at hinog na mangga lang. Budburan lang ng kaunting asin at paminta. For the dressing, paghaluin lang ang mayonaise, gatas at timplahan ng asin at paminta. Or kung anong dressing ang gusto ninyo.
O di ba? pagkatapos nyong kumain ng nakaka-guilt na crispy pata, sundan nyo naman ng vegie salad na ito. hehehehe.
Enjoy!!!!
Comments