JELLY PLAN with MANGO BITS


Nung unang beses akong gumawa ng jelly plan, marami ang nag-email sa akin na nagustuhan daw nila ito. Bukod daw kasi sa madaling lutuin, masarap daw talaga at pwedeng-pwede sa mga may diabetis.

Para magkaroon naman ng twist sa original recipe, nilagyan ko ito ng flavor at itong ngang paborito nating mangga ang ginamit ko.
Ito pala ang dessert na ginawa ko nung mag-celebrate kami ng aming wedding anniversary.

JELLY PLAN with MANGO BITS
Mga Sangkap:

1 sachet Mr. Gulaman (Yellow)

2 Eggs beaten

1 tetra brick Alaska Evaporated milk

1 tetra brick Alaska Condensed milk

3 cups Sugar (pwedeng dagdagan depende sa tapis na nais ninyo)

4 pcs. Ripe Mango (hiwain ang 3 piraso sa maliliit na cubes, yung isang piraso naman ay hiwain ng manipis para pang-design sa molde)

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, magpakulo ng 5 tasang tubig.
2. Tunawin ang Mr. Gualaman powder sa 1 tasang tubig at ibuhos ito sa kumukulong tubig. Haluin.
3. Ilagay na din ang alaska evap at condensed. Patuloy na haluin.
4. Sunod na ilagay ang binating itlog, asukal at ang mga hiniwang mangga. Maaaring tikman para ma-adjust ang lasa.
5. Maaring lagyan ng hiniwang mangga ang bottom ng mga molde na paghahanguan. O kaya naman ay caramel syrup.
6. Kung medyo lumapot na ang pinaghalong mga sangkap, ibuhos ito sa mga molde sa nais na kapal.
7. Palamigin at saka i-chill sa fridge
Kung ihahain na, alisin sa molde at isalin sa isang lalagyan. Maaaring lagyan ng condensed milk sa paligid kung nais.
Enjoy!!!!

Comments

i♥pinkc00kies said…
ma-try nga! madali lang gawin :D
Unknown said…
wow!! ma try nga din po...super favorite ko ang jelly kahit na anong flavor...
pwede rin siguro dito ang fruit cocktail or buko or sweetcorn..masarap nga ito..:)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy