MALIGAYANG ARAW ng mga PUSO

It's LOVE Day today. Ewan ko ba, likas marahil sa ating mga Pilipino ang pagiging romantiko. Bakit ba naman? Aba, tingnan mo naman, parang pasko at masasaya ang lahat ng tao. Marami hindi magkandaugaga kung ano ang ibibigay sa kanyang minamahal. Ang mga nagtitinda ng bulaklak ay hindi halos mapahinga sa dami ng orders at pagawa ng mga bulaklak na rosas. Kahit nga mga ordinaryong karinderya o fastfood resto ay may kani-kaniyang pakulo din kapag dumadating ang Araw ng mga Puso.

Well, sabi ko nga dito sa mga ka-officemate ko. Maaga kayong umuwi ng makapag-celebrate sila ng V-Day. Minsan lang kako sa isang taon ang araw na ito. Sabi nung isa, marami daw trabaho, sabi ko naman, ang trabaho patuloy yan na dumarating sa araw-araw, ang V-Day isang beses lanbg sa isnag taon. Hehehehe.

Kami ng aking asawang si Jolly ay nag-se-celebrate din kahit papaano kapag dumarating ang araw na ito. Ofcourse kasama din ang aming mga anak. (Abangan ang special posting ko para sa celebration na iyon)
Hindi lamang para sa magsing-irog ang araw ng mga puso. Para din ito syempre sa pagmamahal natin sa ating mga magulang, sa ating mga kapatid, sa ating mga kaibigan at higit sa lahat ang pag-ibig natin sa Diyos.
Komo araw nga ng mga puso ngayon, importante na alalahanin din natin ang pag-aalaga sa ating mga puso. Syempre ang tamang pagkain at ehersisyo ay kailangan upang ito ay ating mapangalagaan. Isipin na lang natin na kapag tumigil ang pag-tibok nito ay titigil na din ang ating buhay.
Panghuli, sanay maging maligaya tayong lahat sa araw na ito. Dalangin ko na sana ay puro pag-ibig na lang ang maghari sa ating lahat, sa ating mga puso at sa buong mundo.
Amen.

HAPPY VALENTINES sa lahat!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy