NILAGANG BAKA - Level Up


Ang nilagang baka marahil ang pinaka-madaling lutuing ulam para sa ating pamilya. Walang kumplikadong na mga sangkap at as in tambog-tambog lang ang pamamaraan ng pagluluto nito. Kahit siguro hindi marunong magluto ay mailuluto ang soup dish na ito.

Sa amin sa Bulacan, kahit simple lang ang dish na ito ay itinuturing na espesyal na ulam ito. Kung araw ng Linggo o kaya naman ay may bisita, nilagang baka ang soup o ang ipinauulam. Espesyal marahil komo nga medyo may kamahalan ang karne ng baka.

Masarap na ilaga ang baka na may buto-buto. Di ba nga panalo ang bulalo sa ating panlasa. Hindi ako masyadong bumubili ng mga mabutong karne. Although masarap naman talaga ito sa mga masabaw na dish, sayang din kasi komo nga matatapon din lang ang buto pagkatapos.

Sa nilagang baka kong ito. Ini-level up ko ito sa pamamagitan ng paglalagay ng iba pang mga sangkap para mapalasa o mapasarap ang sabaw kahit walang buto na inilahok sa pagpapalambot. Ang sekreto? Nilagyan ko ng dried mushroom, carrots at leeks. Try nyo ito. ito din ang ginagamit ng mg Tsino sa kanilabng mga beef soup.

NILAGANG BAKA - Level Up

Mga Sangkap:

1 kilo Beef Brisket

2 pcs. Dried Mushroom

1 Carrots cut into cubes

2 tangkay na Leeks

1 tali Pechay

1/2 Repolyo

1 large Onion

Paraan ng pagluluto:

1. Palambutin ang karne ng baka na may timplang asin at pamintang buo.

2. Kung malambot na ang karne, ilagay ang hiniwang sibuyas at dried mushroom.

3. After ng mga 5 minuto saka ilagay ang carrots at leeks.

4. Huling ilagay ang repolyo at pechay.

5. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
paborito ko ito, kuya! Kaso ang mahal ng baka hehehe.
Dennis said…
Yun na nga J....pero yun ang ang punto ko sa entry ko na ito. Pwedeng half kilo na lang yung karne ng baka at lagyan mo na lang ng maraming gulay. Para hindi bitin yung lasa ng baka lagyan mo ng dried mushroom. Tiyak yan masarap pa rin ang nilagang baka mo. :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy