PAN-GRILLED PINK SALMON with ASIAN SAUCE

Pink Salmon for Valentines dinner. Yes. Ito ang special na niluto ko para sa valentine dinner namin ng aking pamilya. Papaanong hindi magiging special, e ang mahal kaya ng kilo ng isdang ito. Sabagay, kung para naman sa mga mahal mo, wala yung mahal mahal. Ang mahalaga ay masiyahan sila sa kanilang kakainin.

Simple lang ang entry kong ito for today. Ang medyo nagpakumplikado lang ay ang sauce na ginamit ko dito. Kung titingnan mo, parang hindi match ang fish at ang sauce. Pero yun nga ang sinadya ko sa dish na ito. Yung ang dating ay parang di match. pangkaraniwan kasi, mga white or herbed sauce ang inilalagay sa mga ganitong klase ng isda.

Pero hindi ako nagkamali sa sauce na ito na ginamit ko sa isdang ito. Hindi ko na tinimplahan ng kung ano-ano pa ang isda dahil baka matabunan pa ang masarap na laa nito. Salt and pepper lang ay nagkataluna sa isdang ito.

PAN-GRILLED PINK SALMON with ASIAN SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Sliced Pink Salmon
2 tbsp. Olive oil
Salt and pepper to taste
For the sauce:
1/2 cup Sweet Soy Sauce
2 tbsp. Hoisin Sauce
1 tbsp. Oyster Sauce
1 tbsp. Worcestershire Sauce
1 tbsp. Rice Wine
1 tsp. Sesame oil
2 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Cornstarch
1 tsp. Finely chopped Ginger
3 cloves Minced Garlic

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang Pink Salmon. Hayaan ng mga 1 oras.
2. I-ihaw ito sa isang non-stick pan na may kaunting olive oil. Lutuin ang magkabilang side ng isda.
3. Para sa sauce: Paghaluin ang lahat ng mga sangkap maliban sa cornstarch, bawang at luya.
4. Sa pinag-ihawan ng isda, i-gisa ang bawang at luya sa kaunting olive oil.
5. Ilagay ang pinaghalong mga sangkap. halu-haluin.
6. Ilagay ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain ang nilutong isda kasama ang sauce.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy