PARMESAN CRUSTED FISH FILLET & MANGO SALSA
Marami-rami na ring dish akong nagawa sa isdang ito. At itong entry ko for today ang isa na namang nadagdag sa masasarap na luto na pwedeng gawin.
Mas lalo pang sumarap ang dish na ito ng lagyan ko ng side dish na Mango Salsa sa halip na ibang sauce o sawsawan. Sabagay, hindi naman ata babagay kung calamansi at toyo ang gagamitin kung crusted pa siya ng parmesan cheese. hehehehe
PARMESAN CRUSTED FISH FILLET & MANGO SALSA
Mga Sangkap:
1 kilo or 2 pcs. Cream Dory Fillet
Juice from 1/2 Lemon
1 cup Parmesan Cheese
1 cup Japanese Bread crumbs
1 head Minced Garlic
Salt and Pepper to taste
Para sa Mango Salsa:
1 pc. Ripe Mango cut int small cubes
1/2 Cucumber cut also into cubes
2 pcs. Large Tomatoes cut into small cubes
1/2 cup Olive oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin, paminta at bawang ang Fish fillet.
2. Igulong ito pinaghalong japanese bread crumbs at parmesan cheese.
3. Ilagay muna sa isang lalagyan at hayaan sa fridge ng mga 1 oras.
4. Lutuin ito sa turbo broiler o sa oven sa init na 250 degrees hanggang sa maluto at pumula na ang ibabaw nito.
5. Para sa mango salsa, paghaluin lamang ang lahat ng mga sangkap.
Ihain ang fish fillet habang mainit pa kasama ang ginawang mango salsa.
Enjoy!!!!
Comments