PESANG TILAPIA
Kagaya ng nasabi ko sa aking profile, hindi po ako professional na chef or nagkaroon ng formal training sa pagluluto. Ang mga dish na nakikita at nababasa nyo sa blog kong ito ay base sa mga nababasa ko din, by experience na din at yung iba naman ay experiment ko lang.
Katulad nitong entry ko for today. Pinesang isda. Nang i-check ko ang dish na ito sa ibang food blog, iba-iba din ang nakita kong sangkap at pamamaraan ng pagluluto. Kaya naman minarapat ko na lang na i-share sa inyo ay yung naka-gisnan ko na luto o yung luto na ginagawa ng aking Inang Lina nung kami ay bata pa.
Sa dish pala na ito, pwedeng gumamit ng kahit anong klaseng isda. Basta lang yung maputi ang laman at hindi gaanong matinik. Nung mga bata kami, pangkaraniwan ay bangus ang pinepesa ng aking ina. Sa entry kong ito tilapia ang aking ginamit komo ito ang mura at madaling mabili dito sa Maynila.
PESANG TILAPIA
Mga Sangkap:
5 pcs. Medium size Tilapia
1/2 Repolyo (himayin bawat dahon)
1 taling Pechay Tagalog
2 pcs. Patatas quartered
3 pcs. thumb size Ginger
1 large Onion sliced
1 tsp. whole pepper corn
1 tsp. maggie magic sarap (optional)
salt to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Linising mabuti ang tilapia. Alisin ang palikpik, kaliskis at lamang loob nito. Gilitan ng dalawang beses sa katawan.
2. Sa isang kaserola magpakulo ng tubig at ilagay ang pinitpit na luya, hiniwang sibuyas at patatas. Hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
3. Ilagay ang tilapia at timplahan ng asin at paminta.
4. Ilagay na din ang repolyo at pechay. Hayaang kumulo hanggang sa maluto.
5. Timplahan ng maggie magic sarap. Tikman at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments