ROASTED CHICKEN with COCONUT MILK & PAPRIKA


Gustong-gusto ng mga anak ko ang roasted chicken. Di ba nga may isang recipe ako ng roasted chicken na ipinangalan ko pa sa aking bonsong anak na si Anton? Basta ito ang ulam namin tiyak na ubos ang kanin sa kaldero. Hehehehe

Kaya naman patuloy ako sa pagtuklas ng ibat-ibang recipe sa roasted chicken. Ang challenge kasi ay kung anong flavor ang pwede mong inpasok sa laman ng manok. Wala nang sasablay pa sa garlic, lemon o calamansi at pati na din lemon grass sa mga sangkap na pwedeng ilagay sa roasted chicken. Pag ito ang inilagay nyo, tiyak na walang sablay sa intong roasted chicken.

May nabasa akong recipe sa fried chicken na coconut milk at powdered spices ang ginamit. Naisip ko lang bakit hindi ko kaya gamitin ito sa rosated chicken. At ito nga ang ginamit ko sa entry kong ito for today. Roasted Chicken with Coconut milk and paprika. Dapat sana curry powder ang gagamitin ko, kaso naubusan ako nito sa aking kusina. Kaya ito na lang paprika ang ang aking ginamit. HIndi naman ako nagkamali at masarap nga ang kinalabasan. Tamang-tama lang ang spicyness at lasa sa laman ng manok. Try nyo ito. Another new flavor sa paborito nating roasted chicken.


ROASTED CHICKEN with COCONUT MILK & PAPRIKA

Mga Sangkap:
1 whole Chicken about 1.5 kilos
1 head minced Garlic
1 tbsp. Paprika
1 tetra brick Coconut milk (200ml)
1 tsp. ground Black pepper
1 tbsp. Rock Salt

Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain ng pa-butterfly ang manok. Hiwqain mula sa breast hanggang sa may leeg na parte ng manok.
2. Paghaluin ang asin, paminta, paprika at minced garlic.
3. Ikiskis ito sa katawan ng manok pati sa may parteng loob nito.
4. Ilagay ito sa isang plastic bag at saka ilagay ang gata ng niyog.
5. Ilagay ito sa malamig na parte ng fridge at hayaan ng mga 1 araw o overnight.
6. Lutuin ito sa turbo broiler o sa oven sa init na 300 degrees sa loob ng 45 minuto hanggang 1 oras o hanggang sa pumula at maluto ang manok.

Ihain kasama ang paborito ninyong gravy o mang Tomas sarsa ng lechon.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy