SALT & PEPPER PORK


Kung pagbabasihan mo lang ang title ng recipe kong ito, iisipin mong napaka-simple at napakadali at kahit siguro hindi marunong magluto ay kaya itong gawin. Well, tama naman kayo. Simple lang talaga ang dish na ito. Pero kaunting dagdag sa paraan ng pagluluto par mas lalo itong sumarap.

Actually, nabasa ko ang recipe na ito sa isa sa mga paborito kong food blog. Yun lang medyo iniba ko ng konti.

Masarap ito. Kung baga, simpleng fried liempo na nag level-up. Try nyo ito. Masarap talaga.


SALT & PEPPER PORK


Mga Sangkap:

500 grams Pork Liempo (yung manipis lang ang taba, Hiwain ng mga 3 inches ang haba)

3 tbsp. Rice Wine

3 tbsp. Soy Sauce

4 cloves Sliced Garlic

1 tsp. Ground Black Pepper

Salt to taste

1 cup Cornstarch

1 cup Flour

Cooking oil for frying


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang pork liempo sa bawang, asin, 1/2 tsp. na paminta, rice wine at toyo. Hayaan ng mga 1 oras.

2. Sa isang bowl, paghaluin ang harina at cornstarch.

3. Igulong dito ang minarinade na liempo at i-prito ng lubog sa mantika. Lutuin hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.

I-slice at ihain kasama ang inyong paboritong sawsawan. Maaring suka na may sili, catsup o kaya naman ay mang tomas sarsa ng lechon.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy