SAUCY SHRIMP & BOK CHOY in OYSTER SAUCE

Dapat sana stir fry ang gagawin kong luto sa dish na ito. Kaso naisip ko lang, mas gusto ng mga anak ko yung may sauce para nahahalo nila sa kanin.

At ito nga ang ginawa ko sa 1/2 kilo na hipon na nabili ko nitong isang araw. Madali lang ang dish na ito. Kahit siguro baguhan lang sa pagluluto ay magagawa ito.


SAUCY SHRIMP & BOK CHOY in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
1/2 kilo Hipon
2 tali Bok Choy or Chinese Pechay
1/2 cup Oyster Sauce
2 tbsp. Soy Sauce
1 thumb size Ginger
4 cloves minced garlic
1 medium size Onion sliced
1 tbsp. brown Sugar
1 tsp. Sesame oil
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Ilagay ang hipon at lagyan ng mga 1/2 tasang tubig.
3. Ilagay na din ang chinese pechay. Haluin at takpan. Hayaan ng mga 2 minuto
4. Ilagay ang oyster sauce, toyo at brown sugar. Timplahan na din ng asin at paminta.
5. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch at sesame oil.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

monz said…
hi po, nakakatuwa namn po at ang galing ninyong magluto! :) My friend told me about your blog and after that palgi ko na binibisita ang blog nio. :) hope to do something like that po.. :) keep thinking of unique kind of foods. God Bless and more power!
Dennis said…
Thanks Monz, are you the girl or the boy in your profile pict?

First, thanks for visiting my blog. Sa mga kagaya mo ako nai-inspire kaya nagpapatuloy ang blog kong ito. Yun bang alam mo na naapreciate ang ginagawa mo. Thanks Again.

Second, I hope you share this also with some or all of your friends. para mas happy.

Thanks again,,,,


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy