SPICY BROILED CHICKEN

Isa na namang masarap na chicken dish ang handog ko sa inyong lahat. Actually, hindi ko in-expect na ganito kasarap ang kakalabasan ng turbo broiled na chicken na ito.

Mula nung mag-blog ako, na-intriga na ako na sumubok na gimamit ng mga herbs and spices na available sa market. Kasama ang mga search na ginagawa ko sa ibang food blog, nakakagawa ang ng mga lutuin na masarap at nun ko lan na-try.

Kagaya nga nitong chicken na ito na ginamitan ko ng paprika at cayene powder. Masarap talaga at nagulat ako kasi ang lutong ng balat niya na parang balat ng lechon. I think the key is in the temperature of the turbo broiler.

Try nyo ito. Masarap, kakaiba at madali lang lutuin.


SPICY BROILED CHICKEN

Mga Sangkap:
10 pcs. Chicken Thigh
1 head Minced Garlic
2 tsp. Paprika powder
1/2 cup Olive oil
salt and pepper to taste
2 tsp. Cayene powder

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang manok.
2. Sa isang bowl paghaluin ang olive oil, minced garlic, paprika powder at cayene powder.
3. Ibuhos ang marinade mix sa manok at saka ilagay sa isang plastic bag. Ilagay sa fridge at hayaan ng mga 2 oras o higit pa. Overnight mas mainam.
4. Lutuin ito sa turbo broiler sa init na 250 to 300 degrees hanggang sa maluto at pumula ang balat ng manok.

Ihain kasama ang iyong paboritong dipping sauce, gravy o kaya naman ay mang tomas lechon sauce.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy