TURBO BROILED LEMON CHICKEN



Paborito sa bahay ang roasted chicken. Kung titingnan nyo sa archive marami na ang posting ng roasted chicken in so many flavors. Ang mga anak ko kahit anong flavor ng roasted chicken ay panalo pa rin sa kanila. hehehehe.

Pero para sa akin, wala pa ring tatalo sa roasted chicken na simple lang at walang masyadong flavor o pampasarap na inilalagay. Mas gusto ko kasi yung nalalasan yung natural na flavor lang ng manok.

At ito nga ang ginawa ko sa turbo broiled na lemon chicken na ito. 3 lang ang sangkap na aking inilagay. Asin, paminta at lemon. Ang kinalabasan? Isang masarap na roasted chicken.


TURBO BROILED LEMON CHICKEN


Mga Sangkap:

10 pcs. Chicken Thigh

1 pc. Lemon

1 tbsp. Ground Black pepper

Salt to taste


Paraan ng pagluluto:

1. Hugasang mabuti ang manok. I-drain ang excess water at tusuk-tusukin ng kutsilyo ang laman ng manok.

2. Sa loob na parte ng hita ng manok (yung expose na ang buto at laman). Budburan ng asin at paminta.

3. Gadgarin ang balat ng lemon diretson sa nakalatag na mga manok.

4. Hiwain ang lemon at pigain ang katas nito sa lahat ng piraso ng manok.

5. Hayaan sa fridge ng 1 araw o overnight bago lutuin.

6. Lutuin ito sa turbo broiler sa init na 250 degrees sa loob ng 45 minuto hanggang 1 oras o hanggang sa maluto ang manok.

Ihain ito na may kasamang Mang Tomas o Andoks lechon sauce.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
adik sa manok ang mga anak mo kuya! Hehehe
Dennis said…
Yummy talaga momgen...the secret is in the lemon zest and juice at yung tagal ng pag-marinade. Thanks for visiting my blog.


Dennis
Dennis said…
Sinabi mo J. Okay na din kesa sa pork. Hehehehe


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy