LYCHEES, MELON and MANGO JELLY SALAD


Last week before the Holy week, nagkaroon ng overnight swimming ang mga ka-opisina sa Perez Optical ang asawa kong si Jolly. Every year ay ginagawa nila ito at pwedeng isama ang mga pamilya nila. Maliliit pa ang 3 kong anak ay napapasama na kami sa lakad nilang ito every year.

Sa Pansol sa Los Banos ang overnight swimming nila. Isang private pool na may 4 or 5 ata na kwarto. Mga 65 kaming lahat kasama na ang mga kids.

Ni-request na isa sa ga kasamahan ng asawa ko na magdala daw ako ng kahit anong luto ko. Oo...hehehehe...madami din akong fans sa kanila. Hehehehe

Komo alam kong marami ng ulam na dala sila, minabuti kong dessert na lang ang dalhin ko bilang share ko sa pagkain. At ito nga ay ang entry natin for today.

Simple lang ang dessert na ito. Ang medyo matagal lang ay ang paggawa ng mango gelatin na isinama ko.

Nakakatuwa naman at nagustuhan nila. Ubos at walang natira sa dinala ko. hehehehe


LYCHEES, MELON and MANGO JELLY SALAD

Mga Sangkap:

2 pcs. whole Melon (cut into cubes / bite size)

1 big can Lychees

3 pcs. Mango

1 sachet Yelow colored Gulaman

2 cups Evaporated Milk

1 tetra brick All Purpose Cream

1 big can Condesed Milk

1 cup Sugar


Paraan ng Pagluluto:

1. Magpakulo ng 4 na tasang tubig sa isang kaserola. Ang dami ng tubig ay depende sa gulaman na gagamitin. Kung 4 cups ang nakalagay sa package direction gawin lang 3. Isasama pa kasi natin yung gatas at puree na mangga.

2. Sa isang blender, paghaluin ang laman ng mangga, evaporated milk, sugar at gelatin powder. Paandarin ang blender hanggang sa madurog at maghalo na ang lahat ng mga sangkap.

3. Isalin ito sa pinakulong tubig at halu-haluin.

4. After ng mga 5 minuto hanguin at isalin sa square na lalagyan na hanggang 1/2 inch ang kapal. Palamigin ito para mabuo.

5. Kung malamig na iwain ito ng pa-cube kasing laki ng mga hiniwang melon.

6. Ilagay sa isang bowl ang hiniwang mango gelatin, melon at lychees. Ilagay na din ang condensed milk at all purpose cream. Haluin mabuti.

Ilagay muna sa fridge at palamigin bago ihain.

Enjoy!!!!


Comments

Dennis said…
Thanks pinkcookies.....yummy talaga.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy