CALAMARES with MAYO-BAGOONG DIP


Ang calamares o calamari ay isa sa mga luto sa pusit na masarap na pulutan o kaya naman ay side dish o pampapagana sa ating hapag.

May iba-iba ding pamamaraan sa pagluluto nito. Yung iba inilulubog ito sa pinaghalong itlog at harina. Yung iba naman basta lang babalutin ng harina at saka ipi-prito na.

Ganun din sa sawsawan na gagamitin dito. Iba-iba din ang gusto depende na din siguro sa panlasa. Pangkaraniwan na ang suka na may konting bawang, asin at sili.

Kahit ano pa man ang pagkakaiba ng pagluluto at sawsawang gagamitin, nagkakaisa ang lahat na masarap itong kainin.


CALAMARES with MAYO-BAGOONG DIP

Mga Sangkap:
1 kilo Extra large na Pusit (linising mabuti at alisin at hiwain ng pa-ring. Alisin mabuti ang mga excess na tubig)
1 Egg beaten
2 cups All Purpose Flour
Salt and pepper to taste
Cooking oil for frying
1 cup Mayonaise
1 tbsp. Spicy Bagoong Alamang

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang pusit. Hayaan ng mga 30 minuto.
2. Ilagay ang binateng itlog at haluin para malagyan ang lahat ng pusit.
3. Sa isang plastic bag, ilagay ang harina at ang pusit na nilagyan ng itlog.
4. Lagyan ng hangin ang loob ng plastic bag, isara at alug-alugin ang laman hanggang sa ma-coat ng harina ang lahat ng pusit.
5. Ilagay muna sa freezer ng ilang minuto bago i-prito.
6. Pagkalabas sa freezer, maari ding ilagay muli sa plastic bag na may harina para sa second coating. Kung ayaw ninyo ready na ito para i-prito.
7. I-prito ang pusit ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Huwag i-overcooked dahil titigas masyado ang laman ng pusit.
8. Hanguin sa lalagyang may paper towel.

Ihain habang mainit pa kasama ang pinaghalong mayonaise at bagoong.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Naku ang mahal niyan dito kuya. Samantalang sa Pinas makakabili ka sa kalye ahehehe.
Dennis said…
Hahahaha....sinabi mo...dito P2.50 per pc. hehehe....Sarap isawsaw sa suka na may sili....hehehe

Thanks J :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy