CELEBRATING MOTHERS DAY 2011

Ang Mothers Day para sa akin ang isa sa mga mahahalagang araw sa buong taon. Sa araw na ito pinagdiriwang natin ang kadakilaan ng ating mga Ina.

Taon-taon, hindi maaring hindi ko ito i-celebrate para sa ina ng aking mga anak na si Jolly, sa ina ng aking asawang si Inay Elo, at syempre sa namayapa kong Inang Lina.



Isang simpleng meryenda ang inihanda ko para sa aking Inay Elo. Ipinagluto ko siya ng Pancit Sotanghon at ibinili ko siya ng isang maliit na cake. Hindi pala nakasama sa pag-uwi ko sa Batangas ang aking asawa dahil may work siya nung araw na yun. Abangan nyo na lang yung posting ko para sa recipe ng pancit sotanghon.




Kasama din sa simpleng kainan ang kapatid ng aking asawa na si Ate Pina, ang kanyang hipag na si Ate Myla at si Rose na manugang naman ni Ate Pina. Silang lahat ay ina na din kaya pinatawag ko sila para sama-samang pagsaluhan ang munti kong inihanda para sa kanila.




Bulaki din ako ng Manila after na magkainan kami ng meryenda. Syempre, kailangan din na mai-treat ko ang aking asawa sa espensyal na araw na ito.




Bago ako pumunta sa kanyang clinic, bumili muna ako ng bulaklak para sa kanya. Natuwa naman siya sa effort na ipinakita ko. Nag ganda ng bulaklak ano? para lang sa isang espensyal na Ina.


Nang mag-off na siya sa kanyang work ay nag-dinner naman kami sa isang Italian restaurant sa Glorietta sa Makati. Para naman kako maiba, ay sinibukan namin ang ilan sa mga Italian food nila.


Masarap ang pagkain. Hintayin nyo at may separate posting ako para sa restaurant na ito.


Hindi pa natapos ang celebration after ng masarap na dinner na yun. Pinapanood ko pa soya ng sine sa Glorietta 4 din. Fast and Furious 5 ang pinanood namin. Nag-enjoy naman kami pareho and take note....hehehehe....12 midnight na kami nakauwi ng bahay. hehehehe


Para sa akin, hindi lamang sa mothers day natin inaalala ang kadakilaan ng ating mga Ina. Dapat lang na may espesyal na trato tayo sa kanila sa araw-araw. Let them feel na napaka-importante nila sa ating buhay. Kailan natin sila aalalahanin? pag-patay na sila? Huwag naman sana.


HAPPY MOTHERS DAY sa lahat!!!!!


Comments

Unknown said…
hi sir dennis. this will be my first comment eversince i became a follower, i was really touched by your entry and how you cherish every one in your family. you are a good person and thank you for sharing that in you blog. Your blog not only inspire me to cook, but give importance to things that matters most. Thank you for that and God bless you and your family...
Dennis said…
Thank you MomyJorayma.... God Bless you and your family too.


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy