CHICKEN & BROCCOLI STIR FRY





Kung nagmamadali kayo na matapos agad sa pagluluto, bukod sa prito, ang stir fry ang pwede nating ihalili. Madali lang din kasi itong lutuin basta lang naka-ready na ang mga sahog na gagamitin.


Syempre, chicken breast fillet ang the best na gamitin sa lutuin ito. Madali lang kasi itong maluto at palambutin. Try nyo ito...madali lang at masarap talaga.


CHICKEN & BROCCOLI STIR FRY

Mga Sangkap:
300 grams Chicken Breast fillet (cut into strips)
250 grams Broccoli (cut into bite size pieces)
1 medium size Carrot sliced
1/2 cup Oyster Sauce
2 tbsp. Sweet soy Sauce
1 thumbs size Ginger sliced
1 medium size Onion sliced
3 cloves Minced garlic
1 tbsp. Brown Sugar
Salt and Pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. I-steam ang mga gulay ng mga 2 minuto. Huwag I-overcooked dahil isasama pa ito sa manok.
2. I-marinade ang chicken fillet sa asin, paminta at 2 tbsp. na oyster sauce. Hayaan ng mga 30 minuto.
3. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang chicken fillet s kaunting mantika hanggang sa maluto ng bahagya.
4. Sunod na igisa na ang luya, bawang at sibuyas. Haluin kasama ang nilutong manok.
5. Ilagay na agad ang gulay at timplahan pa ng oyster sauce, sweet soy sauce at brwn sugar.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Hanguin na agad at huwag i-overcooked

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Ang ganda ng dish kuya - very colorful! At healthy pa!
Dennis said…
Masarapa at mainam na magluto ng gulay sa panahon ngayon. Medyo mura kasi...itong broccoli nga na ito parang 30 pesos lang ang bili ko. Hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy