CHICKEN WINGS BINAKOL
Sa totoo lang hindi pa ako nakakatikim nitong chicken binakol. Basta ang alam ko lang sa dish na ito ay nag-origin ito sa Aklan at para lang itong tinolang manok pero sinahugan ng sabaw at laman ng buko.
Well, sino ba naman ang hindi kumakain ng tinolang manok? Kung baga, ito ata ang isa sa mga all time favorite ng mga pinoy lalo na pag ganitong naguumpisa na ang tag-ulan. Masarap higupin ang sabaw nito lalo na kung bago itong luto. Kahit nga sa mga may sakit di ba? Pinapahigop nila ng sabaw ng tinola para pagpawisan at mawala ang lagnat.
Try nyo ito para maiba naman sa nakagawian nating tinola.
CHICKEN WINGS BINAKOL
Mga Sangkap:
8 pcs. Chicken Wings
1 small Green Papaya (balatan at i-slice)
1 whole Coconut (yung malambot pa ang laman, hiwain sa nais na laki. Itabi din ang sabaw)
Dahon ng sili
3 pcs. Siling pangsigang
1 tsp. Whole pepper corn
2 thumb size Ginger cut into strips
1 large Onion sliced
5 cloves minced Garlic
2 tbsp. Canola oil
salt or patis to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika. Dapat medyo tustado ang luya at ang bawang.
2. Ilagay na ang chicken wings. Takpan at hayaang masangkutsa.
3. Ilagay na ang sabaw ng buko, laman ng buko, siling pangsigang at ang hiniwang papaya.
4. Timplahan na din ng asin o patis at paminta. Takpan at hayaang kumulo hanggang sa maluto ang papaya.
5. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
6. Huling ilagay ang dahon ng sili at saka patayin ang apoy.
Ihain habang mainit pa ang sabaw.
Enjoy!!!!
Comments
I was very happy to stumbled in your blog I love reading it and trying your recipe. I love it. Im actually originally from Aklan.
Theres 2 types of "Binakol" another one is cooked inside the bamboo , you stuffed the whole chicken inside.With all the spices , ginger , lemon grass , salt. unions , and garlic even rub with little bit of vinegar made of coconut palm tree.
This is the best and the bamboo tree is still green ' not many people cooked this anymore in Aklan but I still remember when my father cooked it , its very special. WE use the native chicken.
Thanks,
Elma

Yup...yun nga din ang pagkaka-alam ko na paraan ng pagluluto ng chicken binakol....Yung sa akin yung short-cut version. Hehehehe. Pero wag ka...masarap nga...hehehehe
Dennis
Sana huwag kang mapagod sa kakaluto.
Have a nice weekend !
Thanks again Ms. Elma :)
Dennis