FRIED SALMON and GARLIC ASPARAGUS


Sa mga isda katulad ng pink salmon, mainam na iluto ito ng simple lamang. Ang ibig kong sabihin ay yung asin lamang at paminta ang ilalagay at pagkatapos ay ipi-prito o ipa-pan-grilled. Hindi kasi natatabunan ang masarap na lasa ng isda sa kung ano-ano pang herbs and spices.

Ganun din sa gulay na asparagus. Stir dry or steam na nilagyan lang ng asin, paminta o bawang ay okay na. Mas lalo nating mae-enjoy ang tunay na lasa at sarap nito.

Ito ang naging baon naming mag-asawa sa office nitong nakaraan araw. 2 slice lang na pink salmon ang binili ko at yun ngang garlic asparagus. Medyo may kamahalin kasi ang isdang ito. Nakakatuwa naman at talaga namang na-enjoy ko ang aking lunch at puring-puri din ito ng aking asawa.

Try nyo ito. Nice combination.


FRIED SALMON and GARLIC ASPARAGUS

Mga Sangkap:
2 slices Pink Salmon
3 tbsp. Olive oil
Salt and pepper to taste
1 head Minced Garlic
250 grams Baby Asparagus

Paraan pagluluto:
1. Timplahan ang pink salmon ng asin at paminta. Hayaan ng mga 30 minuto.2. I-steam o i-blanch sandali ang asparagus. Budburan ng asin at paminta at itabi buna.
3. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang bawang sa olive oil hanggang sa pumula ito at maging crisp. Hanguin sa isang lalagyan.
4. I-prito ang pick salmon hanggang sa maluto at pumula ang magkabilang side nito. Hanguin sa isang lalagyan.
5. I-stir fry sandali sa parehong kawali ang asparagus. Huwag i-overcooked.
6. Hanguin ito at ilagay sa side ng nilutong pick salmon.
7. Budburan ng piniritong bawang ang asparagus.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy