GINATAANG SUAHE


Paborito ng asawa kong si Jolly ang ginataang hipon. Kaya naman nitong napadaan ako ng Farmers market sa Cubao at may nakita akong sariwa at tumatalon-talon pang suahe na hipon ay hindi na ako nag dalawang isip na bumili nito kahit 1/2 kilo man lang.

Luto sa gata ang agad na naisip ko nung mga oras na yun. Kaya naman dumiretso na rin ako sa bilihan ng gata na napiga na para mas madali ang pagluluto na aking gagawin.

Madali lang lutuin ang dish na ito. At masarap talaga. Sabagay, kahit ano namang luto basta may gata ng niyog ay masarap.


GINATAANG SUAHE


Mga Sangkap:
1/2 kilo Sariwang Hipon o Suahe
5 cups Kakang Gata
1 thumb size na Luya sliced
1 pc. Sibuyas sliced
5 cloves Minced Garlic
2 pcs. Siling pangsigang (alisin ang buto at i-slice)
2 tbsp. Canola oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Ilagay ang gata ng niyog. Hayaang kumulo sa loob ng mga 5 minuto.
3. Ilagay na ang suaheng hipon at timplahan ng asin at paminta.
4. Ilagay na din ang hiniwang siling pang-sigang. Hayaang kumulo hanggang sa medyo kumonte na ang sabaw na gata.
5. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy